ⓘ Larissa Ramos

                                     

ⓘ Larissa Ramos

Si Larissa Ramos, 19, ang kasalukuyang Beleza Brasil 2008 at ang sa Brazil sa Miss Earth 2009 sa Pilipinas kung saan siya ang nakoronahan bialng Miss Earth 2009 noong ika-22 ng Nobyembre 2009, ang ikalawang brazilian na nakakakuha ng titulo. Napanalunan niya ang titulong Beleza Brasil 2008 noong Noyembre 28 2008 kung saan tinalo niya ang 26 pang mga kalahok, ang humawak sa titulo sa loob halos isang taon bago manalogn Miss Earth 2009. Kasalukuyang siyang nag-aaral ng Biyolohiya sa Universidade Federal do Amazonas.

                                     

1. Beleza Brasil 2009

Kumakatawan sa estado ng Amazonas, nakuha ni Ramos ang titulong Beleza Brasil 2009 at pinutungan ng korona ni Tatiane Alves, ang Beleza Brasil 2008 at Miss Earth Fire 2008 noong Nobyembre 28.2008 sa Minas Gerais, Brazil. May taas na 1.78 metro., siya ang kakatawan sa kanyang bansa sa Ika-9 na edisyon ng Miss Earth pageant.

Kasama sa kanyang court sina Miss Brazil Earth Air unang banggit Miss Pará, Naiane Alves, Miss Brazil Earth Water ikalawang banggit, Miss Rondônia, Luana Athar, at Miss Brazil Earth Fire ikatlong banggit Miss Esperito Santo, Debora Lyra.

Noong Mayo 25, 2007, napili siya bilang isa sa mga kalahok sa kompetisyon ng Nangungunang Modelo sa Amazona, Brazil mula sa 1.572 mga aplikante na isinagawa ng Amazon Empório Magazine sa pakikipag-ugnayan kay Karin Models Paris.