ⓘ Susan Roces

                                     

ⓘ Susan Roces

Si Susan Roces ay unang nasilayan sa pelikula ng Jose Nepomuceno Productions noong siya ay 10 anyos pa lamang na pinamagatang Mga Bituin ng Kinabuksan, isang Drama kasama si Ike Lozada na noon ay isa ring batang paslit.

Pagkatapos ng pelikulang nasabi ay pansamantalang tumigil si Susan sa pag-aartista at inasikaso muna ang pag-aaral at pagkalipas ng limang taon ay nagbalik ang isang batang paslit na isang dalagita na sa pelikulang Komedya ang Miss Tilapya subalit pangalawa lamang siya at suporta sa artista na nooy reyna ng Sampaguita Pictures na si Gloria Romero.

Pagkaraan ng pelikulang iyon ay binigyan siya ng isang pelikulang maituturing na siya mismo ang bida, ito ay ang una niyang starring role ang Boksingera kung saan itinambal siya kay Luis Gonzales na isang Komedya-Dramang pelikula, subalit ang nasabing pelikula ay di gaanong pumutok sa takilya kaya sa kanyang mga sumunod na pelikula ay isinama muna siya sa mga bigating artista ng naturang kompanya.

Isa siya sa mga barkada ni Dolphy sa pelikulang Kulang sa 7 at papel ng isang dalagitang umako ng kasalanan ng iba sa madramang pelikula na Sino ang Maysala at isang panauhing artista lamang sa pelikulang Pasang Krus 1957 kasama si Romeo Vasquez.

Taong 1957 ng bigyan muli siya ng isang natatanging pagkaganap kasama ang baguhang si Romeo Vasquez sa pelikulang Prinsesang Gusgusin at isa sa mga contestant na nagsiwalat ng kanilang natatanging karanasan na Dramang-Panradyo na isinalin sa pelikula ang Mga Reyna ng Vicks na katunggali niya sa paglalahad ng kanyang natatanging buhay sina Amalia Fuentes, Gloria Romero at Rita Gomez.

                                     

1. Pelikula

  • 1984 - Hoy! wala kang paki
  • 1971 - Gumising ka. Maruja. Nina Concepcion / Maruja Isabel Sevilla
  • 1973 - Florinda. Florinda
  • 1975 - Pandemonium
  • 1972 - Salagintot salagubang. Isang Talak
  • 1988 - Kambal tuko. Mely
  • 1987 - Bunsong kerubin. Helen
  • 1976 - Langit, lupa at impiyerno
  • 1980 - Tanikala
  • 1990 - Mundo man ay magunaw. Dolores
  • 1982 - Manedyer. si kumander
  • 1979 - Mahal. Ginagabi ka na naman. Luding
  • 1956 - Miss Tilapya
  • 1989 - Ang lahat ng ito pati na ang langit
  • 1958 - Madaling Araw
  • 1989 - Here Comes the Bride. Azon
  • 1979 - Mahal. Saan ka nanggaling kagabi?. Luding
  • 2003 - Mano po 2: My home. Sol - present
  • 2011 - 100 Days to Heaven TV seryes. Angelita Salvador
  • 2009 - May bukas pa TV seryes. Nieves Antazo
  • 1986 - Payaso
  • 1956 - Boksingera
  • 1965 - Portrait Of My Love
  • 1987 - Paano kung wala ka na?. Ruby
  • 1957 - Sino ang Maysala
  • 1974 - Patayin mo sa sindak si Barbara. Barbara
  • 1990 - Feel na feel
  • 1958 - Tawag ng Tanghalan
  • 2009 - Sana ngayong pasko TV seryes. Remedios
  • 1973 - Karnabal. Trining
  • 1988 - Love boat: Mahal trip kita. Grace Santos
  • 2006 - 24th Luna Awards
  • 1978 - Gumising ka Maruja
  • 2011 - Babaeng Hampaslupa TV seryes. Helena See
  • 2008 - SineSerye TV seryes. Amanda
  • 1986 - Inday-Inday sa balitaw. Monina
  • 1968 - Maruja
  • 1961 - Beatnik
  • 1986 - Nasaan ka nang kailangan kita. Rosa
  • 1957 - Mga Ligaw na Bulaklak
  • 1977 - Maligno. Angela Cortez
  • 1974 - Dalawa ang nagdalantao sa akin
  • 1997 - Isinakdal ko ang aking ina. Esperanza
  • 1979 - Angelita. Ako ang iyong ina. Jeanette
  • 1957 - Pasang Krus
  • 1956 - Kulang sa 7
  • 1973 - Hanggang sa kabila ng daigdig
  • 1991 - Ubos na ang luha ko
  • 1971 - Adios Mi Amor
  • 2008 - Maalaala mo kaya TV seryes. Lola Angge
  • 1972 - Bilangguang puso
  • 1987 - No Retreat. No Surrender. Si Kumander
  • 1952 - Mga Bituin ng Kinabukasan
  • 2012 - Walang hanggan TV seryes. Virginia Cruz
  • 2006 - John En Shirley TV seryes. Encarnacion Ramirez
  • 1957 - Mga Anak ng Diyos
  • 1958 - Ulilang Anghel
  • 1988 - Buy One, Take One
  • 1976 - Sapagkat kamiy mga misis lamang
  • 1957 - Prinsesang Gusgusin
  • 1987 - 1 + 1 = 12 + 1
  • 1978 - It Happened One Night
  • 1958 - Mga Reyna ng Vicks
                                     

2. Tribya

  • alam ba ninyo na si Susan Roces ang nanalo bilang Pinakamagaling na Artista FAMAS noong 1978 para sa mala-Klasikong pagganap bilang si Maruja sa pelikulang Gumising ka Maruja.
                                     
  • Artikulong Pantelebisyon: Dance O Rama tv Naiinggit si Zeny Zabala kay Susan Roces dahil lagi itong malapit kay Jose Mari kaya pilit siyang gumagawa ng
  • 24 Oktubre 1964 Kuwentong Pag - ibig Musikal Sampaguita Pictures Susan Roces Lito Legaspi Josephine Estrada Ramil Rodriguez Apeng Daldal Loretta Marquez
  • ay isang teleseryeng pinalabas ng TV5 sa Pilipinas. Gumanap dito sina Susan Roces kasama sina Alice Dixson ar Alex Gonzaga, at dinirekta nina Eric Quizon
  • Pilipinas. Siya ay naging artista nang dalhin siya ng kanyang ate na si Susan Roces at isama sa isang pelikula. Una siyang nabigyan ng sarili niyang pelikula
  • dito siya nagsimula sa napasama sa mga pelikula nila Dolphy, Panchito, Susan Roces Amalia Fuentes at marami pang iba. 1944 Criselda Volks Ang lathalaing
  • 1974 Rosas Productions Susan Roces Boots Anson - Roa Ramil Rodriguez Ronaldo Valdez Angie Ferro Tony Carreon Dranreb Belleza Mike Relon Makiling Ding
  • Fernando Poe Jr. Susan Roces Efren Reyes alam ba ninyo na sa pelikulang ito ay may Full Coverage na kasama ng sina Ronnie at Susan ay ikinasal noong
  • isang pelikulang komedya tungkol sa mga kabataang naliligaw ng landas. Susan Roces Jose Mari Jose Morelos Chichay Eddie Garcia Patria Plata Cora Maceda
  • Vera Perez Pictures Susan Roces Jose Mari Bert LeRoy Jr. Jose Leonardo Emmanuel H. Borlaza Carding Cruz Emmanuel H. Borlaza Tony Cayado Ang lathalaing
  • 28 Pebrero 1980 Makapigil - Hininga Cine Filipinas Susan Roces Romeo Vasquez Eddie Garcia Rita Gomez Mona Lisa Joonee Gamboa Francisco Trinidad Lily Miraflor