ⓘ Leopoldo Salcedo

                                     

ⓘ Leopoldo Salcedo

Si Leopoldo Salcedo ay isang artistang Pilipino. Kilala rin siya bilang Pol, isang palayaw. Tinagurian siyang The Great Profile sa kasaysayang pelikulang Pilipino. Nagkaroon siya ng pelikulang Mr. Dupong dahil purong-kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat.

                                     

1.1. Talambuhay Larangan

Hindi naging madali kay Leopoldo Salcedo ang pagpasok sa pelikula, nagsuot muna siya sa butas ng karayom para bago niya maabot ang tugatog ng kanyang kasikatan.

Lumabas siya bilang ekstra sa pelikulang Sawing Palad at nasundan pa iyon Ang Itinapon noong 1936. Hindi pa siya gaanong napansin hanggang kontratahin siya ng Filippine Pictures at gawin ang limang kontratang pelikula ang Ligaw na Bituin, Kalapating Puti, Dalagang Silangan, Biyaya ni Bathala at Anak ng Hinagpis at ang kanyang papel ay pawang suporta lamang sa mga bigating artista sa pelikula.

Hanggang sa noong 1940 ay ipagkatiwala sa kanya ng pelikulang hango sa tunay na buhay ang Sakay ay doon na nagsimulang mapansin ang kanyang pagganap na de-kalidad, ito ay pumutok sa takilya hnaggang sa nakagawa pa siya ng isang dosenang pelikula sa loob lamang ng dalawang taon bago magkagiyera.

Kinuha ng LVN Pictures ang kanyang serbisyo para itambal sa pinagmamalaki ng kompanya na si Mila del Sol ang Mabangong Bulaklak. Kung tutusin ay mas marami siyang nagawang pelikula sa LVN kumpara sa Sampaguita Pictures.

Si Pol Salcedo ay nagtatag ng sarili niyang kompanya ang LGS Production at lima lamang ang nagawa niyon ito ay ang Kambal na Lihim, Parole kasama si Paraluman, Divisoria.Quiapo. kabituin si Gloria Sevilla, Tampalasan, Highway 54 at Mr. Dupong.

Sa bakuran ng Sampaguita Pictures, tatlo lamang ang kanyang nagawa at ito ay ang Katawang Lupa kabituin si Lolita Rodriguez, Sandra kapareha si Carmen Rosales noong 1959 at Anak ni Kamagong, kung saan kasama niya ang anak na si Edgar Salcedo, noong 1964.

Una niyang idinirek ang pelikulang Sierra Madre ng LVN Pictures noong 1949.

                                     

2.1. Mga pelikula Bilang aktor sa pelikula

  • 1958 - Matandang Tinale
  • 1956 - Saigon
  • 1936 - Ang Itinapon
  • 1946 - Fort Santiago
  • 1948 - Sierra Madre
  • 1947 - Sa Ngiti mo Lamang
  • 1941 - Hiyas ng Dagat
  • 1950 - Kundiman ng Luha
  • 1942 - Prinsipe Tenoso
  • 1949 - Haiskul
  • 1954 - Buntot Page
  • 1939 - Ikaw ang Dahilan
  • 1940 - Sakay
  • 1950 - Florante at Laura
  • 1956 - The Treasure of Gen. Yamashita
  • 1939 - Anak ng Hinagpis
  • 1955 - Ito ang Aming Daigdig
  • 1937 - Umaraw sa Hatinggabi
  • 1940 - Nag-iisang Sangla
  • 1947 - Hanggang Langit
  • 1937 - Magkapatid
  • 1953 - Kambal na Lihim
  • 1939 - Walang Sugat
  • 1946 - Ginoong Patay-Gutom
  • 1958 - Mga Liham kay Tia Dely
  • 1953 - Highway 54
  • 1956 - Montalan Brothers
  • 1954 - Parole
  • 1943 - Tia Juana
  • 1940 - Aliitaptap
  • 1949 - Ang Lumang Simbahan
  • 1953 - Tinig ng Bayan
  • 1951 - Irog, Paalam
  • 1937 - Ang Kumpisalan at ang Batas
  • 1939 - Matamis na Kasinungalingan
  • 1947 - Alias Sakim
  • 1950 - Tatlong Limbas
  • 1947 - Ina
  • 1938 - Biyaya ni Bathala
  • 1949 - Lupang Pangako
  • 1950 - Hantik
  • 1956 - Katawang Lupa
  • 1949 - Kayumanggi
  • 1946 - Doon Po sa Amin
  • 1939 - Mabangong Bulaklak
  • 1942 - Huling Habilin
  • 1955 - Magia Blanca
  • 1934 - Sawing Palad
  • 1951 - Dugo ng Bataan
  • 1951 - Amor mio
  • 1949 - Kuba sa Quiapo
  • 1941 - Rosalina
  • 1947 - Binatang Maynila
  • 1951 - Munting Paraiso
  • 1940 - Carinosa
  • 1946 - Dalawang Daigdig
  • 1937 - Sampaguitang Walang Bango
  • 1940 - Maginoong Takas
  • 1949 - El Diablo
  • 1950 - Tatlong Bagwis
  • 1941 - Ilang-Ilang
  • 1953 - Walang Hanggan
  • 1958 - Zorina
  • 1958 - 4 na Pulubi
  • 1937 - Via Crucis
  • 1940 - Libingang Bakal
  • 1944 - Liwayway ng Kalayaan
  • 1947 - Kamagong
  • 1950 - Batong Buhay
  • 1956 - Huling Mandirigma
  • 1953 - Makabuhay
  • 1947 - Kaaway ng Bayan
  • 1941 - Ararong Ginto
  • 1942 - Caviteno
  • 1955 - Divisoria.Quiapo.
  • 1951 - La Roca Trinidad
  • 1947 - Tandang Sora
  • 1958 - Obra-Maestra
  • 1950 - Huramentado
  • 1952 - Neneng Ko
  • 1937 - Gamu-gamong Naging Lawin
  • 1951 - Higanti
  • 1948 - Siete Dolores
  • 1957 - Familia Alvarado
  • 1936 - Santong Diablo
  • 1950 - Dalawang Bandila
  • 1941 - Villa Hermosa
  • 1948 - Mga Busabos ng Palad
  • 1951 - Bisig ng Manggagawa
  • 1953 - Tampalasan
  • 1948 - Kambal na Ligaya
  • 1954 - Multo sa Opera
  • 1954 - Brilyanteng Putik
  • 1951 - Ang Pugante
  • 1948 - Hindi Kita Malimot
  • 1954 - At sa Wakas
  • 1949 - Capas
  • 1957 - Bicol Express
  • 1937 - Lihim Ina
  • 1954 - Pusong Ginto
  • 1954 - Eskandalosa
  • 1938 - Ligaw na Bituin
  • 1953 - Pagsikat ng Araw
  • 1938 - Kalapating Puti
  • 1940 - Dating Sumpaan
  • 1951 - Tatlong patak ng Luha
  • 1938 - Dalagang Silangan
  • 1950 - The Spell
  • 1954 - Mr. Dupong
  • 1947 - Ang Kamay ng Diyos