ⓘ Sarimanok

                                     

ⓘ Sarimanok

Ang sarimanok /sá ri ma nók/ ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng katimugang Pilipinas. Ito rin ay isang makulay na okir na karaniwan ay gawa sa tanso, sa anyo ng isang nakatayong ibon, na malamang ay isang susulbot na may nakasabit na isda sa tuka nito. Kinakatawan din ng sarimanok ang mayamang sining ng mga Maranao at itoy sumisimbolo rin ng kasaganahan.

Walang makapagbigay katiyakan ng pinagmulan ng sarimanok. May kuro-kurong ito ay isang totem na ibon ng mga Maranao, na kung tawagin ay itotoro, na siyang nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga espiritu sa pamamagitan ng di-nakikita nitong kakambal na ibong kung tawagin ay inikadowa. Ayon kay Akram Latip, isang iskolar na Maranao, "Halos lahat ng mga Sarimanok ay nililikha ng mga taga-Tugaya," kung saan karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.

                                     
  • maskota ng palaro ay si Mabuhay, isang sarimanok isang makulay na uri ng manok na namumuhay sa kabundukan. Ang sarimanok ang naging simbulo ng pagiging makulay
  • kauna - unahang network ng wikang Ingles ng bansa. Ito ay pagmamay - ari ng Sarimanok News Network, Inc., isang ganap na pag - aari ng subsidiary ng ABS - CBN Corporation
  • Lanao. Hindi kumpleto ang isang torogan kapag wala ang maalamat na ibong Sarimanok na dapat makikita sa loob ng bahay. Ang Kawayan Torogan na itinayo ng
  • sa mga nagawa niyang pang - orkestra ay ang Love Songs, Legend of the Sarimanok Ang Pamana, Philippine Scenes, Her Son, Jose, Sisa, Awit
  • ABSCBN bilang news advisory anchor. Kasabay noon, naging bahagi siya ng Sarimanok News Network ngayon ay ANC bilang tagapaghatid - balita kasama si Frankie
  • iba pang gawain na isinasagawa ng mga malalaking pangkat. Ang Bulwagang Sarimanok Bahay - samahan ay may malaking bulwagan na nakagamit nang panghalimbawa
  • Muslim ng Malaysia, Indonesia, atbp. Ang mga imaheng ginto ni Garuda, ang sarimanok sa tuktok ng Vishnu, ay nasumpungan sa Palawan sa Pilipinas. Isang gintong
  • Maranao na kilalang - kilala para sa dragong Nāga at ang naukit at napintang Sarimanok sa magandang panolong ng kanilang torogan o Bahay ng Hari. Nagsimulang
  • Makiling Nuno sa punso Maalamat na mga Hayop Bakunawa Ekek Kapre Manaul Sarimanok Sigbin Sirena Siyokoy Tikbalang Tiyanak Maalamat na mga Tao Ama - ron Bernardo