ⓘ Darna

                                     

ⓘ Darna

Si Darna ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa mga komiks mula sa Pilipinas. Nilikha ang karakter para sa Pilipino Komiks ng manunulat na si Mars Ravelo at tagaguhit na si Nestor Redondo noong 1950. Una siyang lumabas sa Pilipino Komiks #77 noong Mayo 13, 1950. Si Darna ay muling pagbabago ng naunang karakter ni Ravelo na si Varga, na ang kuwento at ilustrasyon ay ginawa niya mismo. Unang lumabas ang karakter na ito sa Bulaklak Magazine, Bolyum 4, #17 noong Hulyo 23, 1947. Umalis si Ravelo sa Bulaklak dahil sa hindi pagkakasundo sa mga patnugot ng publikasyon. Isa sa mga pinakatanyag na superhero na Pilipino, lumabas si Darna sa maraming mga pelikula at ilang seryeng pantelebisyon.

Si Darna ay isang namatay na taga-ibang planeta o extra-terrestrial na mandirigma na lumalabas sa pamamagitan ng salamangka sa isang babaeng mula sa Daigdig na nagngagalang Narda. Pakatapos lunokin ni Narda ang Puting Bato na may mahika at isigaw ang "Darna," nagbabagong-anyo siya sa makapangyarihang mandirigmang si Darna. Bilang Darna, ipinagtatanggol niya ang mga naaapi at nilalabanan ang mga kriminal at mga kampon ng kasamaan, isa na dito si Valentina, isang babaeng may buhok na ahas na parang si Medusa. Madalas siyang samahan ng kanyang nakakabatang kapatid na si Ding. May ilang mga alternatibong bersyon ni Darna na binagyan ng bagong katauhan sa paglipas ng mga taon.

Natatangi at ikoniko ang itsura ni Darna: kadalasang nakasuot siya ng pulang bikini na may mga ginutuang bituin sa bawat takip ng bra; pulang kalubkob na napapalamutian ng gintong medalyong may pakpak; gintong pulseras; gintong medalyong sinturon na may bahag sa gitna; at halos hanggang tuhod na pulang bota. Malawak na tinuturing si Darna bilang ikono sa kalinangan ng Pilipinas, at tinuturing na pinakabantog na superhero na karakter sa Pilipinas.

Malawak na hinalaw at ginampanan ang karakter sa ibang anyo ng midya, kabilang ang mga pelikula at seryeng pantelebisyon, Kabilang sa ilang mga artista na ginampanan si Darna sa pelikula at telebisyon sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin, at Marian Rivera.

                                     

1. Sa ibang midya

Lorna Tolentino 1977

Noong 1977, ang kauna-unahng seryeng palabas sa telebisyon tungkol kay Darna ay ipinalabas sa KBS 9 RPN 9 kung saan ginampanan ni Lorna Tolentino si Darna at Narda.

                                     

1.1. Sa ibang midya Liza Moreno 1963-1964

Pagkatapos ng labing-isang taon na lumipas muling binigyang buhay ng isang artistang mula sa LVN Pictures na si Liza Moreno ang papel ng isang Darna kasama si Danilo Jurado bilang Ding sa pelikulang Si Darna at ang Impakta. isa pang pelikula sa sumunod na taon, ang Isputnik vs. Darna, sa pagkakataong ito ay sinagupa niya ang isa pang babaeng bida ng kalawakan na si Isputnik na ginampanan naman ng isa pang artista ng LVN Pictures na si Nida Blanca.

                                     

1.2. Sa ibang midya Eva Montes 1965

Noong 1965, isang baguhang artista na si Eva Montes ang gumanap bilang Darna habang si Connie Angeles ang gumanap na Narda sa pelikulang Darna at ang Babaing Tuod. Si Montes ay gumanap noong 1964 bilang anak ni Dyesebel na si Alona sa pelikulang Anak ni Dyesebel. Ang gumanap sa kontrabidang si Babaing Tuod ay si Gina Alonzo na unang gumanap na Impakta sa naunang pelikulang Darna at ang Babaing Impakta.

                                     

1.3. Sa ibang midya Gina Pareno 1969

Si Gina Pareno na galing sa Sampaguita Pictures ang gumanap naman na Darna noong 1969 sa pelikulang Si Darna at ang Planetman. Ginampanan din niya ang papel na Daria at si Narda ay ginampanan ng batang artista na si Gina Alajar. Sa pelikula na ginawa ng Vera Perez Productions, umibig si Darna sa isang lalaki na may ibang katauhan, si Planetman, na kailangan niyang talunin.

                                     

1.4. Sa ibang midya Vilma Santos 1973–1980

Naging ikoniko ang pagganap ni Vilma Santos bilang Darna noong dekada 1970. Tumabo sa takilya ang tanging pelikulang trilohiya isang pelikulang na may tatlong hiwalay na istorya ng Darna na Lipad, Darna, Lipad! noong 1973 at pagganap ni Santos ay naging isang pambihirang pagkakataon para sa pagyabong ng kanyang karera sa pagiging artista. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap na Narda ay pareho ng gumanap ng Darna. Nag-iwan din ng tatak sa popular na kultura ang katagang sinambit ni Darna na "Ding, ang bato!" sa pelikula ngunit hindi ito orihinal na linya sa komiks.

Nasundan pa ng tatlong pang pelikula na si Santos ang Darna, at ito ang Darna ang the Giants 1974, Darna vs. The Planet Women 1975 at Darna at Ding 1980.

                                     

1.5. Sa ibang midya Lorna Tolentino 1977

Noong 1977, ang kauna-unahng seryeng palabas sa telebisyon tungkol kay Darna ay ipinalabas sa KBS 9 RPN 9 kung saan ginampanan ni Lorna Tolentino si Darna at Narda.

                                     

1.6. Sa ibang midya Dolphy 1978

Ang bersiyong ito ng Darna ay isang katatawanan, sapagkat ito ay ginampanan ng komedyanteng si Dolphy. Ang pelikulang ito ay gawa ng Regal Films at ginampanan din ni Lotis Key ang papel na Darna

Ang pelikulang ito ay halos tumabo rin sa takilya dahil ang Darna dito sa kuna-unahang pagkakataon ay isang binabae.

                                     

1.7. Sa ibang midya Rio Locsin 1979

Pagkatapos ng pamamayagpag at matagumpay na pagkakaganap ni Vilma Santos bilang Darna, mayroon na namang ibang babeng sumulpot upang gumanap at ito ay si Rio Locsin.

Kung may Darna meron din na isang Ding, at ang gumanap dito ay ang batang paslit na si Romnick Sarmenta. Ang pelikulang ito ay mula sa MBM Film Productions at ipinalabas noong 1980.

                                     

1.8. Sa ibang midya Nanette Medved 1991

Eksaktong sampung taon o mahigit isang dekada ang lumipas, ang Reyna ng himpapawid na si Darna ay muling namayagpag sa ere at ito ay binigyang buhay naman ng isangseksing artista sa katauhan ni Nanette Medved.

Ang bersiyon ng pelikulang ito ay pinamahalaan ni Joel Lamangan at ang kaniyang nakalaban dito ay isang Babaeng Impakta na ginampanan naman ni Bing Loyzaga at isang Babaeng Ahas na ginampanan naman ni Pilar Pilapil.

Dito ginampanan ni Nanette Medved ang isang modelo na lingid sa kaalaman ng lahat na siya pala ang Darna, at si Ding naman na ginampanan ng dating miyembro ng Smokey Mountain banda an si Tony Lambino.

                                     

1.9. Sa ibang midya Anjanette Abayari 1993

Ang naturang bersiyon na ito ng Darna ay tinatayang may pinakamaraming nakuhang kita sa takilya. Ang pelikulang Darna Ang Pagbabalik ay tumatalakay tungkol noon na nangyari sa Bundok ng Pinatubo kung saan nililigtas niya ang mga tao laban sa Lahar.

Ang pelikulang ito ni Anjanette Abayari na gumanap bilang Darna ay kulang sa inaasahang aksiyon ng mga tao na dating ginagawa ng isang Bida sa himpapawid.

                                     

1.10. Sa ibang midya Angel Locsin 2005

Taong 2005 ng mabili ng GMA Network ang karapatan para isahimpapawid ang makabagong bersiyon ng Darna kung saan ang bata at seksing si Angel Locsin ang gaganap.

Sa bersiyong pantelebisyon na ito ay makakasagupa niya ang reyna ng ahas na si Alessandra de Rossi kung saan pinakahihintay ng mga tao ang eksenang iyon.

Sa telebisyon, ginawa ng GMA Network ang teleseryeng Darna at binago nila ng kaunti ang orihinal na lathala ni Mars Ravelo.

                                     

1.11. Sa ibang midya Marian Rivera 2009

Taong 2009 nang muling gumawa ng isa pang bersiyon ang GMA Network. Ito ay pinangunahan ni Marian Rivera

Taong Enero 2008 unang sinabi ang pagbabalik ng karakter ni Narda kasama si Capt. Barbell ngunit dahil sa pagkakabungo ng oras ay una nang ipapalabas si Darna ngunit sinabi na maaring lumabas sa serye ang isa pang tagapagligtas.

                                     

1.12. Sa ibang midya Iba pang gumanap ng Darna

  • Lotis Key - para sa pelikulang Darna Kuno
  • Regine Velasquez - para sa pelikulang Captain Barbell 2003
  • Brenda del Rio - para sa pelikulang Darna Kuno
  • Sharon Cuneta - para sa pelikulang Captain Barbell 1988
                                     

1.13. Sa ibang midya Tala ng mga pelikula at palabas sa telebisyon tungkol kay Darna

  • Bira, Darna, Bira pelikula noong 1980
  • Darna ang Pagbabalik pelikula noong 1993
  • Darna VS The Planet Women pelikula noong 1975
  • Darna & the Giants pelikula noong 1974
  • Darna at ang Babaing Tuod pelikula noong 1966
  • Darna and the Planetman pelikula noong 1969
  • Darna 1977 seryeng pantelebisyon
  • Darna Kuno pelikula noong 1978
  • Darna 2005 seyeng pantelebisyon
  • Darna at ang Babaing Impakta pelikula noong 1965
  • Darna 1951
  • Lipad, Darna, Lipad pelikula noong 1973
  • Isputnik Vs. Darna pelikula noong 1963
  • Darna 2009 seyeng pantelebisyon
  • Darna at ang Babaing Lawin pelikula noong 1952
  • Darna at Ding pelikula noong 1979
  • Darna 1991 pelikula
                                     
  • Ang Si Darna at ang Impakta ay isang pelikulang Pilipino noong 1963 na ginawa ng People s Pictures, Inc sa direksyon ni Danilo H. Santiago. Ito ang pangatlong
  • Ang Isputnik VS Darna ang pangatlong bersyon ng Darna kung saan ginampanan ni Liza Moreno ang papel ni Darna at ang mahigpit niyang kalabang si Nida Blanca
  • Ang Darna at ang Planetman ay ang ika - anim na bersiyon ng Darna kung saan nagbago na ang gumanap na Darna sa katauhan ni Gina Pareno. 1969 Super Pinoy
  • Ang Darna and the Giants ay isang pelikula noong 1974 na handog ng Tagalog Ilang - Ilang Production. Si Vilma Santos ang gumanap na Darna at ang mga Giants
  • Ang pelikulang Pagbabalik ni Darna ay ang ika - 14 bersiyon ng Darna na ginampanan sa unang pagkakataon ni Anjanette Abayari. Ito ay tungkol sa kanyang
  • Ang Mars Ravelo s Darna ay isang seryeng pantelebisyon na inilabas sa Pilipinas. Ito ang ikalawang bersiyon ng Darna na ipinalabas sa telebisyon at hindi
  • Darna Darna and the Giants Darna 1981 Darna 1991 Pagbabalik ni Darna Darna at Ding Darna at ang Babaing Tuod Darna ang Pagbabalik Lipad, Darna Lipad
  • Ang Darna ang ika - 13 bersiyon ng Darna ng dekada 90s kung saan ginampanan naman ni Nanette Medved. Viva Films Nanette Medved .. Narda Darna Pilar Pilapil
  • Ang pelikulang Lipad Darna Lipad ang pang - anim na bersyon ng Darna kung saan ginampanan naman ni Vilma Santos. Ang pelikulang ito ay naging Box - Office
  • Ang ika - sampung bersiyon nitong Darna na Darna Kuno ay naiiba. Lalake ang gumaganap at ito ay ginampanan ni Dolphy Ang bersiyong ito ay Komedya. Ang
  • seryeng Darna na nilathala sa Pilipino Komiks isyu 78, 1950 Isa sa pinakakilalang supervillainess sa Pilipinas, siya ang mortal na kaaway ni Darna Orihinal