ⓘ Lee Hwi-jae

                                     

ⓘ Lee Hwi-jae

Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Lee.

Si Young-jae Lee o mas kilala sa pangalang Hwi-jae Lee ay isang host, aktor at komedyante sa bansang Timog Korea. Siya ang ikatlong pinakamataas na binabayarang ahente ng MBC noong 2008, na ang kita ay halos ₩ 574.5 milyon.

                                     

1. Talambuhay

Si Hwi-jae ay ipananganak noong Desyembre 29, 1972 sa Incheon, Timog Korea. Siya ay nag-aral ng teatro sa Seoul Institute of the Arts. Ikinasal si Hwi-jae kay Jeong-won Moon 문정원, isang babae na nagtitinda ng mga bulaklak noong Desyembere 5, 2010 sa Grand Hyatt Hotel sa Seoul. At noong 15 Marso 2013, nagkaroon sila ng kambal na anak na lalaki na pinangalanang Seo-eon Lee 이서언 at Seo-jun Lee 이서준.

                                     

1.1. Talambuhay Karera

Noong 1992, pumasok si Hwi-jae sa industriya ng libangan bilang isang komedyante pagkatapos niyang maging isa sa mga floor director sa programa ng MBC na kung tawagin ay Sunday, Sunday Night. Sumikat siya sa programang Life Theater at mula noon ay lumaki ang kanyang karera, naging host siya sa ibat-ibang programa katulad nang Sang Plus, Sponge and Quiz to Change the World.

Mula 3 Nobyembre 2013 hanggang 14 Abril 2018, siya at ng kanyang mga anak na kambal ay napasali sa The Return of Superman, isang sikat na programa sa bansang Timog Korea na nagpapakita kung papaano mag-alaga ang mga sikat at tanyag na mga ama ng mag-isa na wala ang kanilang asawa sa loob ng 48 na oras.