ⓘ Wikang Yue

                                     

ⓘ Wikang Yue

Ang Wikang Yue o Yueh ay isang pangunahing sangay ng Tsino na ginagamit sa Timog Tsina, lalo na sa mga lalawigan ng Guangdong at Guangxi.

Ang pangalang Kantones karalasang ginagamit para sa buong sangay, ngunit pinili ng mga dalubwika na ilaan ang pangalang iyon para sa mga baryante ng Guangzhou Kanton at Hong Kong, na siyang wikaing prestihiyo.

Ginagamit ang Kantones at Taishanes ng marami-raming populasyon ng mga Tsinong nasa ibayong-dagat sa Timog-Silangang Asya, Awstralya at Hilagang Amerika, lalo na rin sa naging bunga ng maramihang pag-iibayong-dagat mula sa Hong Kong.

Hindi mutuwal na intelihible ang mga wikaing Yue sa ibang baryante ng Tsino. Sila ang ilan sa mga konserbatibong baryante na mayroong pagpapanatili ng panghuling katinig mga kategoryang pangtono ng Gitnang Tsino, ngunit nawalan ng maraming pagkakatangi ng pang-unahan at pang-gitnang mga katinig na napanatili ng ibang baryante ng Tsino.

                                     

1. Pangalan

Ang prototipikal na paggamit ng pangalang Kantones Cantonese sa Ingles ay para sa wikaing Guangzhou Kanton ng Yue, ngunit karaniwan iyon na ginagamit para sa Yue sa kabuuan. Upang maiwasan ang pagkalito, maaaring ipangtawag sa mga tekstong akademiko ang pangunahing sangay ng Tsino na "Yue", kasunod ng baybaying Pinyin ng Mandarin, at maaaring bigyang-restriksyon ang "Kantones" sa pangkaraniwang paggamit bilang diyalekto ng Guangzhou, o iwasan naman ang katagang "Kantones" sa kabuuan at bigyang-kilanlan ang Yue mula sa diyalektong Kanton o Guangzhou.