ⓘ Maneki-neko

                                     

ⓘ Maneki-neko

Ang maneki-neko ay isang pangkaraniwang pigurilyang Hapones na kalimitang pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa may-ari. Sa makabagong panahon, kadalasan itong yari sa seramiko o plastiko. Inilalarawan ng pigurilya ang pusa na kumakaway-kaway na nakatayo nang tuwid ang kamay, at kadalasang naka-muwestra sa - kadalasan sa pasukan - ng mga tindahan, bahay-kainan, pook-pachinkohan, at iba pang mga negosyo. Ang ibang mga hulma ay pinapatakbo ng baterya at dahan-dahan ang pagkaway-kaway. Sa Ingles, tinatawag din ang maneki-neko na welcoming cat, lucky cat, money cat, happy cat, beckoning cat, o fortune cat.

Mayroong ibat ibang kulay, estilo at antas ng pagkaka-palamuti at hulma ang mga maneki-neko. Karaniwang mga kulay ang puti, itim, ginto, at minsan pula. Sa karagdagan sa mga seramikong pigurilya, maaaring maging isang keychain, alkansya, pampabango air freshner, pasong pambahay, at ibat iba pang panggayak, at maging malalaking rebulto o imahen.

                                     
  • ng mahabang panahon, si Madara karaniwang tumatagal sa hugis ng isang maneki neko masuwerteng pusa tinatawag siya ni Natsume na Nyanko - sensei na ibinigay