ⓘ Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa

                                     

ⓘ Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa

Ang Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan sa Makabansa ay ang pambansang salawikain ng Pilipinas. Nakuha ito mula sa ang huling apat na linya ng Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, at itoy pinagtibayan noong 12 Pebrero 1998 sa bisa ng Batas Republika Blg. 8491, ang Kodigo sa Watawat at Heraldika ng Pilipinas, sa panahon ng pagkapangulo ng Fidel V. Ramos. Dumating ang pagtibay sa salawikain 12 taon makatapos ang pagkawalang-bisa sa dating salawikain ng bansa, ang Isang Bansa, Isang Diwa ", na pinagtibay noong 1979 sa pagkapangulo ni Ferdinand Marcos.

Inilalarawan ng salawikain ang isang grupo ng mga karaniwang kaugaliang Pilipino, na kung saan magkakaugnay ang bawat isa. Ayon kay Bobit Avila ng The Philippine Star, ipinapakita ng salawikain ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Diyos na nangunguna sa anumang kaugalian. Sa paglalarawan naman ni Kay Malilong Isberto ng The Freeman, ang kapatid na pahayagan ng The Philippine Star sa Lungsod ng Cebu, ikinakatawan ng salawikain ang mga tungkulin ng tapat na mamamayang Pilipino.

Kahit na ginawang opisyal ang Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan sa Makabansa noong 1998, walang malay pa rin ang nakararaming Pilipino sa pag-iral nito. Noong 2007, sinulat ni Geronimo L. Sy sa Manila Times na walang pambansang salawikain daw ang Pilipinas na itinuring niyang "pambansang islogan" at ang karamihan sa mga problemang panlipunan na naglipana sa bansa ay dahil sa kakulangan ng karaniwang direksiyon na ikinakatawan ng isang pambansang salawikain, kahit kung isinabatas ang Kodigo sa Watawat at Heraldika siyam na taon nang nakaraan. Makalipas nito, iminungkahi naman ni Isberto na sa simula, hindi alam ng nakararami na may pambansang salawikain, at sa mga may-alam na may pambansang salawikain, maaaring hindi sila naglaan ng oras upang magmuni-muni sa kung paano dapat nilang iangkop ang salawikain sa kanilang buhay.

Habang "perpekto" umano ang Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan sa Makabansa bilang isang pambansang salawikain, ani Avila, nanindigan siya na dahil makasarili umano ang nakararaming Pilipino, hindi sila sumusunod sa doktrina ng kanilang pananampalatayang Kristiyano, at dahil dito, problematiko ang salawikain kung ihahambing ito sa mga ibang salawikain tulad ng Bhinneka Tunggal Ika ". Gayunpaman, maihahambing ito sa kaniyang masigasig na pagpuna sa Isang Bansa, Isang Diwa noong 2013, kung saan ibinatikos niya ang salawikaing iyon bilang pangangatawan ng palyadong ideolohiyang Jacobinista.

                                     
  • Born Again Groups at ang Mga Saksi ni Jehova. Sa kabila ng mga relihiyong ito, hindi dapat mawala ang ating pananalig sa Panginoong Diyos Bunga ng impluwensiya