ⓘ Koreanovela

                                     

ⓘ Koreanovela

Ang Koreanovela, na mas kilala sa bansag na K-drama, ay tumutukoy sa mga teleserye na gumagamit ng wikang Koreano at nilikha sa Timog Korea.

Naging bantog ang mga Koreanovela sa buong mundo, bahagyang dahil sa paglaganap ng kulturang Koreano ang "Along Koreano", at malawakang presensya sa pamamagitan ng mga serbisyo ng streaming na kadalasang may mga subtitulo sa mga ibat ibang wika. Marami na ang mga nahangong Koreanovela sa ibat ibang mga bansa at nagkaroon din ng mga epekto sa mga manonood nito. Bilang halimbawa, naipalabas ang Jewel in the Palace 2003 sa 91 bansa. Nakatawag-pansin ang mga Koreanovela para sa kani-kanilang moda, istlo, at kultura sa buong mundo. Humantong ang lumalagong popularidad ng mga Koreanovela sa malaking pampasigla ng linya ng moda.

                                     

1. Pagkakaanyo

Nagsimulang magsahimapapawid ang Timog Korea ng mga teleserye noong dekada 1960. Noong dekada 1990, binagong-anyo ang mga tradisyonal na makasasayang serye tungo sa kasalukuyang anyo ng miniserye, na naglikha ng ideya ng mga pinagsanib na sageuk.

Kadalasan, iisang direktor ang namumuno sa mga Koreanovela, na kadalasang isinusulat ng iisang manunulat lamang. Madalas na humahantong ito sa pagkakaroon ng natatanging istilo sa pagdirek at diyalogo sa bawat drama. Kakaiba ito sa mga Amerikanong teleserye, na maaaring umasa sa mga maraming direktor at manunulat na nakikipagtulungan. Karaniwang tumatagal ng isang yugto ang mga serye sa kontemporaryong panahon at karaniwang binubuo ng 12 hanggang 24 episodyo na tumatagal ng 60 minuto. Maaaring mas mahaba ang mga makasaysayang serye, na umaabot hanggang 200 episodyo, ngunit karaniwang tumatagal din sila nang isang yugto.

Ibinobrodkast ang mga drama mula 22:00 hanggang 23:00, kung saan ipinapalabas ang mga episodyo sa dalawang magkakasunod na gabi: tuwing Lunes at Martes, tuwing Miyerkules at Huwebes, o sa katapusan ng linggo. Lumalabas ang mga drama sa bawat isa sa mga pambansang kalambatan: Seoul Broadcasting System SBS, Korean Broadcasting System KBS, Munhwa Broadcasting Corporation MBC at sa mga de-kableng tsanel, kabilang ang Joongang Tongyang Broadcasting Company jTBC, Channel A, tvN, at Orion Cinema Network OCN.

Karaniwang nakalaan ang takdang oras na 19:00 hanggang 20:00 sa gabi para sa mga dramang pang-araw-araw, na ipinapalabas bawat gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Nasa anyong telenovela ang mga drama sa mga oras na ito, bihirang tumatagal ng higit sa 200 episodyo. Hindi tulad sa mga Amerikanong dramang de-serye, hindi ibinobrodkast ang mga ganitong pang-araw-araw na drama sa umaga. Sa halip nito, madalas kasama sa pang-umagang iskedyul ang mga muling palabas ng mga pinakasikat na drama. Maaaring makamtan ng mga panggabi-gabi ang mga napakataas na marka. Bilang halimbawa, umabot ang panggabing serye na Temptation of Wife sa 40.6%, ayon sa TNS Korea.

Karaniwang isinasapelikula ang mga Koreanovela sa napakahigpit na iskedyul. Paminsan-minsan, natatapos lang ito ilang oras bago ang aktuwal na brodkast. Nakikibagay ang mga senaryo at maaaring magbago kahit kailan habang isinasapelikula, depende sa katugunan ng mga manonood, na maaaring maging mahirap para sa mga pangkat ng produksyon.

                                     

1.1. Pagkakaanyo Sageuk

Ang salitang sageuk ay tumutukoy sa anumang Koreanovela o pelikulang drama na nakabatay sa mga makasaysayang tao, naglalakip ng mga makasaysayang kaganapan, o gumagamit ng makasaysyang senaryo. Habang "makasaysayang drama" ang literal na salinwika ng sageuk, karaniwang nakalaan ang termino para sa mga dramang nagaganap sa takbo ng kasaysayan ng Korea.

Mula kalagitnaan ng dekada 2000, nakamtan ng mga iilang sageuk ang malaking tagumpay sa labas ng Korea. Natamasa ng mga sageuk tulad ng Dae Jang Geum Jewel in the Palace, Yi San at Jumong ang mga malalakas na marka at matataas na marka ng kasiyahan sa mga bansa tulad ng Biyetnam, Uzbekistan, Kazakhstan, Fiji at Iran. Nagkaroon ng 85% marka ang Jumong, na ipinalabas sa IRIB Islamic Republic of Iran Broadcasting noong 2008.

                                     

1.2. Pagkakaanyo Kontemporaryo

Madalas nakasentro sa isang kuwentong pag-ibig, kadalasang nakatuon ang mga seryeng nakatakda sa kasalukuyang panahon sa relasyon ng pamilya at romantikong ugnayan. Halos malaperpektoo ang lahat ng mga tauhan. Inilalarawan ang mga lalaking bida bilang guwapo, matalino, madamdamin, at naghahanap ng "tunay na pag-ibig". Ito ay naging salik din sa katanyagan ng mga Koreanovela sa mga kababaihan, dahil naiba ang imahe ng mga lalaking Koreano sa mga ibang lalaking Asyano.

                                     

2. Mga marka sa manonood

Ibinibigay ang mga marka sa manonood viewership ratings ng dalawang kumpanya sa Timog Korea, AGB Nielsen Media Research at TNmS. Dati ang Media Service Korea ang tanging kumpanya na nagbigay ng ganitong impormasyon, at sa kalaunan ay kinuha ito ng Nielsen Media Research. Noong 1999 nagsimula rin ang TNS Media Korea ng ganoong serbisyo, at sa kalaunan ay pinalitan nila ang kanilang pangalan tungo sa TNmS. Kinokolekta ng AGB ang datos ng manonood batay sa 2050 sambahayan, habang ang TNmS may 2000 sambahayan na may aparatong panukat. Karaniwang nag-iiba ng 2-3% ang markang pandrama ng dalawang kumpanya.

                                     

2.1. Mga marka sa manonood Talaan ng mga Koreanovela na may pinakamataas na marka sa pampublikong brodkast

Pinagsama ang talaan mula sa datos ng AGB Nielsen Media Research, batay sa episodyo na may pinakamataas na marka mula noong 1992, noong pumasok ang AGB Nielsen sa merkado ng Korea.

                                     

2.2. Mga marka sa manonood Talaan ng mga Koreanovela na may pinakamataas na marka sa de-kableng TV

Ipinapalabas ang mga sumusunod na drama sa de-kableng tsanel/pay TV na kadalasang may mas kaunting bilang ng manonood kumpara sa mga free-to-air TV/public broadcasters.

                                     

3. Tingnan din

  • Japanese drama sa telebisyon
  • Animasyong Koreano
  • Webtoon
  • Telebisyon sa South Korea
  • Manhwa
  • Telenovela
  • Mass media sa South Korea
  • Korean Wave
  • Taiwanese drama
  • Listahan ng serye sa telebisyon sa South Korea
  • Mga drama sa telebisyon sa Timog Korea sa Pilipinas
  • K-pop
                                     
  • EXO - K. Maliban sa aktibidad niya sa banda, lumabas din siya sa ilang mga Koreanovela sa telebisyon tulad ng Choco Bank  2016 Andante 2017 at Spring Has
  • Magalona at Gloc - 9 kumanta ng Ful Haus Ang title ng programa ay galing sa koreanovela sa GMA ay Full House. Bubble Gang Nuts Entertainment Official Website
  • modelo at pagkatapos nagsimulang umarte sa mga suportang pagganap sa mga Koreanovela tulad ng Summer Scent. Naging pangunahing artista siya sa Sweet 18. South
  • sa Koreanovelang Painter of the Wind 2008 Bago siya nagsimula sa Koreanovela lumabas si Moon sa ilang mga patalastas at nagmodelo para sa iba t ibang
  • 2006. Naging sikat si Yoo noong 2010 nang lumabas siya makasaysayang Koreanovela na Sungkyunkwan Scandal. 유아인, 주민등록증 사진 공개 17세 미소년 엄홍식 My Daily sa
  • MR: Sarangŭi pulshich ak lit. Biglaang Paglapag ng Pag - Ibig ay isang Koreanovela ni idinirekta ni Lee Jeong - hyo at pinagbibidahan sina Hyun Bin, Son Ye - jin
  • 2017 at Falsify 2017 Sa telebisyon noong 2004, bumida si Namkoong sa Koreanovela ng KBS na My Lovely Family. 컬투쇼 남궁민 원래는 기계공학 전공..잘 안 맞았다 sa wikang
  • Nagtapos siya sa Seoul Institute of the Arts. Una siyang lumabas sa Koreanovela ng MBC na School noong 1996 at kasalukuyang nasa KeyEast. My Korean Jagiya
  • bansang Timog Korea. Kilala siya sa kanyang pagganap sa makasaysayang Koreanovela na Jewel in the Palace 2003 bilang ang pangunahing tauhan na si Dae
  • the Bike 2007 Nagkaroon din siya ng suportang pagganap sa iba pang Koreanovela tulad ng Glass Slippers 2002 at Into the Sun 2003 Kinasal si Kim
  • paglabas niya sa Seong Chun - hyang jeon na dinirehe ni Park Tae - won at ang Koreanovela ng TBC na Haenyeo Dang - sil Sea Woman Dang - sil Karaniwang tinutukoy
  • noong 2006 sa isang patalastas sa telebisyon. Kilala siya sa paglabas sa Koreanovela ng KBS na Boys Over Flowers bilang si Sunny, isa sa mga kontrabida ng