ⓘ Kultura ng Malaysia

                                     

ⓘ Kultura ng Malaysia

Ang kultura ng Malaysia ay hango sa ibat ibang kultura ng ibat ibang mga tao ng Malaysia. Ang mga unang tao na nakatira sa lugar ay mga katutubong tribo na nananatili pa rin, sinundan ito ng mga Malay, na lumipat mula sa mainland Asya noong unang panahon. KalinangangTsino at Indiano ang impluwensyang pangkultura ang kanilang marka noong nagsimula ang kalakalan sa mga bansang iyon, at nadagdagan pa ng paglipat nila Malaysia. Ang iba pang mga kultura na labis na naimpluwensyahan ang Malaysia ay kinabibilangan ng Persiano, Arabe, at British. Ang maraming magkakaibang lahi na kasalukuyang umiiral sa Malaysia may sariling katangian at pagkakakilanlan sa kultura, na may ilang pagsasanib o pagkakahalo.

                                     

1. Panimula

Ang Malaysia ay binubuo ng dalawang rehiyon: Peninsular Malaysia at Silangang Malaysia. Nabuo ang Malaysia nang makiisa ang Kalipunan ng Malaya Federation of Malaya sa Hilagang Borneo ngayon ay lalawigan ng Sabah, Sarawak, at Singapore na tumiwalag noong 1965 noong taong 1963,at pagkakaiba sa kultura sa pagitan ng Peninsular at Silangang Malaysia ay nanatili. Sa panahon ng pagbuo ng Malaysia, ang kapangyarihan ng ehekutibo ay nagkaroon ng kapangyarihan sa Perikatan Barisan Nasional koalisyon ng tatlong partidong pampulitika, ang United Malays National Organization UMNO, Malaysian Chinese Association MCA, at Malaysian Indian Congress MIC. Ang UMNO ang nanguna sa koalisyon mula sa simula nito. Bagamat Islam ang opisyal na relihiyon ng estado, ginagarantiyahan ng Konstitusyon ng Malaysia ang kalayaan ng relihiyon.

                                     

1.1. Panimula Pangkat etniko

Ang Malaysia ay isang multi-etniko, multikultural, at maraming wika, at maraming mga katutubong pangkat sa Malaysia ang nagpapanatili ng magkakahiwalay na pagkakakilanlan sa kultura.Ang lipunan ng Malaysia ay inilarawan bilang "Maliit na Asya" "Asia in miniature".Ang orihinal na kultura nito ay nagmula sa mga katutubong tribo kasama ang mga Malay na lumipat doon noong unang panahon. Ang malaking impluwensya ay umiiral mula sa kultura ng Tsina at India simula noong ang kalakalan sa bawat bansang nabanggit ay nagumpisa. Ang iba pang mga kultura na labis na naimpluwensyahan ang Malaysia ay kinabibilangan ng Persiano, Arabe, at British. Ang istraktura ng pamahalaan, at ang balanse ng kapangyarihan ng mamamayan na sanhi ng ideya ng isang kontrata sa lipunan ay nagdulot lamang ng kaunting insentibo para sa paglagom ng kulturang mga etnikong minorya sa Malaysia Sa kasaysayan, ang pamahalaan ay nakagawa lamang ng kaunting pagkakaiba sa pagitan ng Kalinangang Malay culture at Kalinangang Malaysia Malaysian culture. Ang etniko na pangkat Malay, ay higit sa kalahati ng populasyon ng Malaysia,ay nangingibabaw ang papel sa pampulitika at kasama sa isang pangkat na kinilala bilang bumiputra. Ang kanilang katutubong wika, wikang Malaysian, ay pambansang wika ng bansa.Ayon sa Malaysian Constitution, lahat ng mga Malay ay Muslim. Ang Orang Asal, ang pinakaunang mga naninirahan sa Malaya, ay nbinubuo lamang ng 0.5% ng kabuuang populasyon sa Malaysia noong 2000,ngunit kinakatawan ng isang nakararami sa Silangang Malaysia, Borneo. Sa Sarawak at Sabah, ang karamihan sa mga hindi Muslim na katutubong pangkat ay inuri bilang Dayaks, at sila ay bumubuo ng halos 40% ng populasyon ng estado.Maraming mga tribo ang yumakap sa Kristiyanismo.Ang 140.000 na Orang Asli, o mga taong aboriginal, ay binubuo ng ibat ibang mga etnikong komunidad na naninirahan sa peninsular Malaysia.

Ang mga Intsik ay nanirahan sa Malaysia ng maraming siglo at nabuo ang pinakamalaking pangkat etniko. Ang mga unang Tsino na tumira sa Straits Settlements, lalo sa loob at paligid Malacca ay unti-unting natuto at nakasalamuha ang kulturang Malaysia at nakapag-asawa sa komunidad, at dahil dito, isang bagong pangkat etniko ang sumibol at tinawag na Peranakan "Straits Chinese". Ang mga Intsik na ito ay pinagtibay ang mga tradisyong Malay habang pinapanatili ang mga elemento ng kulturang Tsino tulad ng kanilang nakagisnang relihiyon na Budismo at Taoismo. Ang mga karaniwang uri ng salitang Intsik na ginagamit sa Peninsular Malaysia ay Kantones, Mandarin, Hokkien, Hakka, Hainanese at Fuzhou.

Ang komunidad ng Indian sa Malaysia ang pinakamaliit sa tatlong pangunahing pangkat etniko binubuo ng mga 10% ng populasyon at gumagamit ng ibat ibang wika ng Timog Asya.Ang mga Tamil, Malayales at mga Telugu ay bumubuo ng higit sa 85% ng mga mamamayan na nagmula sa bansang India. Dinala ng mga imigrante ng India sa Malaysia ang mga kalinangan ng Hinduismo at Sikhismo. Kasama dito ang mga templo at Gurdwaras, mga lutuin, at pananamit. Ang tradisyon ng Hindu ay nananatiling malakas sa pamayanan ng India sa Malaysia. Ang isang pamayanan ng mga Indiano na nakasanayan ang mga kasanayang pangkulturang Malay ay mayroon din sa Malacca. Bagamat nanatili silang Hindu, ang Chitties ay nagsasalita ng wikang Malaysia at nagbibihis at kumikilos bilang mga Malay. May mga ilang Eurasians ng halong Europeano at katutubong Malay ay naninirahan sa Malaysia.Ang isang maliit na pamayanan sa Malacca ay mga ka-apoapuhan na ng dating mga kolonistang Portuges na nakapag-asawa ng mga babaeng Malay. Habang pinagtibay nila ang kultura ng Malay, nagsasalita sila ng kanilang sariling wika at nanatiling mga Katoliko.

Ang bawat pangkat etniko may sariling kalakip na kultura na naghihiwalay sa iba, at nakamit nila ang ibat ibang mga antas ng pagsasama. Ang mga Intsik ay isinama sa kultura ng Malay sa maraming lugar, kabilang ang mga bahagi ng Terengganu at binubuo nila ang mga grupong Malayanised tulad ng Baba Chinese sa Malacca at Sino-Kadazan sa Sabah. Ang kanilang mga taon sa ilalim ng panuntunan ng Britanya ay nagdala ng ilang magkasanib na kahulugan ng pagkakakilanlan sa lahat ng mga pangkat etniko, na may mga ideya at ideolohiyang Ingles na nagbibigay ng ilang pagsasama-sama at pagbubuklod. Ang magkasanib na kulturang Malaysian ay makikita sa simbolo ng mga kultura ng mga tao sa loob nito.

                                     

1.2. Panimula Patakaran at kontrobersya

Tinukoy ng gobyerno ng Malaysia ang kulturang Malaysian sa pamamagitan ng pagpapalabas ng "1971 Pambansang Patakaran sa Kultura". Tinukoy nito ang tatlong mga prinsipyo bilang mga patnubay para sa kulturang Malaysian: na batay ito sa mga kultura ng mga katutubong tao; na kung ang mga elemento mula sa ibang kultura ay hinuhusgahan na angkop at makatwirang maaari nilang ituring na kulturang Malaysian; at ang Islam ay magiging isang mahalagang bahagi ng pambansang kultura. Tinukoy nito ang tatlong mga prinsipyo bilang mga patnubay para sa kulturang Malaysian: na batay ito sa mga kultura ng mga katutubong tao; na kung ang mga elemento mula sa ibang kultura ay angkop at makatwiran na maaari nilang ituring na kulturang Malaysian; at ang Islam ay magiging isang mahalagang bahagi ng pambansang kultura.

May ilang mga hindi pagkakaunawaan sa kultura ang umiiral sa pagitan ng Malaysia at kalapit na bansang Indonesia. Ang dalawang bansa ay magkahalintulad na pamana sa kultura, na nagbabahagi ng maraming tradisyon at mga ibang ibagay. Gayunpaman, ang mga hindi pagkakaunawaan ay makikita sa mga bagay tulad ng mga lutuing pagkain hanggang sa pambansang awit ng Malaysia. May malakas na damdamin ang Indonesia tungkol sa pagprotekta sa pambansang pamana ng bansa. Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa ay nagsimula sa panahon ng Konfrontasi pagkatapos ng kalayaan ng Malaysia, nang ang Indonesia at Malaysia ay halos magdigmaan. Ang samaan ng loob na nabuo mula noon ay kasabay ng tagumpay sa ekonomiya ng Malaysia ay nangangahulugan na damdaming ito ay nananatili pa rin sa Indonesia ngayon.Ang gobyerno ng Malaysia at ang gobyernong Indonesia ay nagkausap upang mawala ang ilan sa mga tensyon na nagresulta mula pagkakapareho sa kultura. Ang damdamin na ito ay mahina na sa Malaysia, kung saan kinikilala ng karamihan ang kahalagahan ng ibinahaging kultura.

Ang isa sa hindi pagkakaunawaan, na kilala bilang kontrobersyang Pendet ay nagsimula nang iparatang ng mga Indones and sayaw Pendet ay ginamit sa isang opisyal na kampanya ng turismo sa Malaysia na nagdulot ng mga opisyal na protesta. Ang sayaw na ito na mula sa Bali sa Indonesia, ay ginamit lamang sa isang Discovery Channel ad, hindi isang ad na na-sponsor ng gobyerno ng Malaysia. Ang mga awit, tulad ng Rasa Sayange ay nagdulot ng magkakatulad na pagtatalo.Ang pambansang awit ng Malaysia, ang Negaraku, ay sinasabing batay sa isang katulad na awitin ng Indonesia na isinulat na mas nauna ng isang taon. Ang tono ng dalawang awit ay base ayon sa ika-19 na siglong awiting Pranse kaya naging magkahawig.

Taong 2019, ang plano ng Ministri ng Edukasyon na ipakilala ang khat Jawi calligraphy sa ika-4 na taon ng English syllabus sa mga paaralan sa mga susunod na taon ay naging isang polemical na isyu. may mga ilang partido na nakita ito bilang mga sintomas na gumagapang sa Islamization habang ang iba ay nakita ito bilang kapaki-pakinabang sa pagpapahalaga ng isang pamana sa kultura.

                                     

2. Sining

Ang tradisyunal na sining ng Malaysia ay pangunahing nakasentro sa mga likha na larawang inukit, paghabi, at gawaing pilak silversmithing. Ang mga tradisyunal na sining ay mula sa mga gawang kamay handwoven mula sa mga lugar sa kanayunan hanggang sa gawaing pilak ng mga Malay. Ilan sa mga pangkaraniwang likhang sining ang mga pandekorasyon tulad ng kris at beetle nut. Ang mga marangyang tela na kilala bilang Songket ay ginagawa din, pati na rin ang tradisyonal na telang batik. Kilala ang mga katutubo ng Silangang Malaysia sa kanilang kahoy na maskara. Ang sining ng Malaysia ay lumawak lamang kamakailan, tulad ng bago ang taong 1950 ay ang Islamic taboos o mga bawal sa Islam tulad ng pagguhit ng mga tao at hayop. Ang mga tela tulad ng batik, songket, Pua Kumbu, at tekat ay ginagamit para sa dekorasyon, na madalas na binuburda na may pinta o pattern. Ang tradisyunal na alahas ay gawa mula sa ginto at pilak na pinalamutian ng mga hiyas, at sa Silangnag Malaysia, at gayundin naman ang palalat at kuwintas.

Ang kagamitang gawang lupa ay nagsimula sa maraming mga lugar. Ang Labu Sayong ay isang garapon na hugis kalabasa na luwad o putik na mapaglalagyan ng tubig. Ang Perak ay sikat sa mga ito. Ginagamit din upang mag-imbak ng tubig ay ang Terenang. Ang belanga ay isang mangkok na luwad na ginagamit sa pagluluto, ito may malawak na ibaba base na nagbibigay-daan sa mabilis na pagkalat ng init. Ang inukit na kahoy ay ginagamit bilang pampaganda para sa maraming mga bagay, tulad ng mga pintuan at mga bintana. Ang pag-ukit ng kahoy ay hindi kailanman naging isang industriya, ngunit isang sining. Ang mga tradisyunal na nag-uukit ng kahoy ay nagugugol ng maraming taon sa naghahanda lamang ng kahoy, dahil sa isang paniniwala na ang mga taga-ukit ng kahoy ay kailangang maging isang perpektong tugma ng mga uukiting kahoy. Ang kahoy ay kailangang tumugma din sa mamimili, kaya ang gawaing kahoy ay isang napaka-ritwal na gawain. Ang bawat pangkat etniko may mga natatanging pagganap sa sining, na may kaunting pagkakahawig sa bawat isa. Ang sining ng Malay may ilang impluwensya ng Hilagang India. Ang isang sining na tinatawag na mak yong, na magkasama ang sayaw at dula, ay nananatiling sikat sa estado ng Kelantan. Gayunpaman, ang mas matandang Malayan-Thai na sining tulad ng mak yong ay nawala sa katanyagan sa buong bansa dahil sa kanilang Hindu-Buddhist na pinagmulan. Mula sa panahon ng Islamisasyon, ang ministri ng sining at turismo ay nakatuon sa mga mas bagong sayaw ng Portuges, Gitnang Silangan, o Mughal na pinagmulan. Kasama sa mga tradisyonal na sayaw ng Malay ang joget melayu at zapin. Sa mga nagdaang taon, ang dikir barat ay lumago at naging tanyag, at ito ay aktibong itinaguyod ng pamahalaan bilang isang tagapagpakilala ng kultura. Ang Silat naman ay isa tanyag na Malay martial art at uri ng sayaw, na pinaniniwalaan na nagdadagdag ng espirituwal na lakas ng isang tao. Ang Wayang kulit teatro na anino ng manika ay naging popular sa Malaysia sa loob ng maraming siglo. Ang mga puppet ay karaniwang gawa sa balat ng baka at kalabaw, at inukit at pininturahan ng kamay. Ang mga palabas na ginagawa ng mga papet na anino ay madalas na batay sa tradisyonal na mga kwento, lalo na ang mga alamat mula sa Ramayana at Mahabharata. Ayon sa kaugalian, ang teatrong musika ay isinasagawa lamang ng mga kalalakihan. Ang mga imigrante na galing Java ay dinala Kuda Kepang sa Johor, isang anyo ng sayaw kung saan nakaupo ang mga mananayaw sa mga kaba-kabayuhan at nagkukuwento ng mga digmaang Islam. Ang mga pamayanang Tsino ay dala ang tradisyonal na sayaw ng leon at sayaw ng dragon kasama nila, habang ang mga Indiano ay nagdala ng mga uri ng sining tulad ng Bharata Natyam at sayaw Bhangra. Ang kolonyalismo ay nagdala din ng iba pang mga uri sa sining, tulad ng mga Portuges na nagdala ng Farapeira at Branyo. Mayroong ibat ibang mga tradisyonal na sayawan, na madalas na may napakalakas na espirituwal na kahulugan. Ang ibat ibang mga tribo mula sa kanluran at silangan ng Malaysia may ibat ibang mga sayaw.

Noong taong 2010, ang Malaysian Art Culture ay naipakilala sa muling pagkabuhay sa pagdating ng mga bagong independiyenteng galeriya na nakatuon sa batang kontemporaryong lokal na artista. Ang isa sa mga kilalang pangunahing manlalaro sa bagong kontra-kultura ay ang Minut Init Art Social sa Uptown Damansara.

                                     

3. Arkitektura

Ang arkitektura sa Malaysia ay isang kombinasyon ng maraming mga estilo, mula sa estilo ng Islam at Tsino hanggang sa mga dinala ng mga kolonista ng Europa. Ang arkitekturang Malay ay nagbago dahil sa mga impluwensyang ito.Ang mga bahay sa hilaga ay katulad ng sa Thailand, habang ang mga nasa timog ay katulad ng sa Java. Ang mga bagong materyales, tulad ng salamin at pako, ay dinala ng mga taga-Europa, na nagpabago sa arkitektura. Ang mga bahay ay itinayo para sa mga kondisyon ng tropiko, na nakataas sa mga suportang poste na may mataas na bubong at malalaking bintana, upang dumaloy ang hangin at mapalamig ito. Ang kahoy ay ang pangunahing materyal ng mga gusali sa kasaysayan ng Malaysia; ginagamit ito para sa lahat mula sa simpleng kampung hanggang sa mga palasyo ng hari. Sa Negeri Sembilan ang tradisyonal na mga bahay ay walang mga pako. Bukod sa kahoy, ginagamit din ang iba pang mga karaniwang materyales tulad ng kawayan at mga dahon. Ang Istana Kenangan sa Kuala Kangsar ay itinayo noong 1926, at ito lamang ang palasyo ng Malay na may mga dingding ng kawayan. Ang Oral Asal ng Silangang Malaysia ay nakatira sa longhouse at mga nayong nasa tubig. Ang mga Longhouse ay nakataas at sa mga poste, at maaaring bahayan ng 20 hanggang 100 na pamilya. Ang mga nayong tubig ay gawa din sa mga poste, na may mga bahay na konektado ang mga tabla at karamihan sa transportasyon ay mga bangka.

Ang arkitekturang Tsino ay nahahati sa dalawang uri, tradisyonal at Baba Nyonya. Ang mga kabahayan sa Baba Nyonya ay gawa sa makulay na mga tisa tile at may malalaking panloob na mga patyo. Ang arkitektura ng India ay dumating kasama ang Malaysian Indians, na sumasalamin sa arkitektura ng Timog India kung saan nagmula ang karamihan. Ang ilang arkitektura ng Sikh ay galing din ng Timog India. Ang Malacca, na kung saan ay isang tradisyunal na sentro ng kalakalan, ay maraming ibat ibang mga istilo ng gusali. Ang malalaking kahoy na istruktura tulad ng Palasyo ng Sultan Mansur Shah ay nagmula pa sa mga unang panahon. Ang impluwensyang Tsino ay makikita sa mga maliwanag at pinalamutian na mga templo at mga bahay na may terasa.Ang pinakamalaking natitirang istrakturang Portuges sa Malacca ay ang kuta A Famosa. Ang iba pang kolonyal na gusali ay kinabibilangan ng Dutch Stadthuys, ang kolonyal na bayan ng Dutch na mga ng mga gusali ng ladrilyo, at mga gusali na itinayo ng mga Briton tulad ng Memorial Hall, na pinagsasama ang arkitektura ng Baroque at arkitekturang IslamAng mga hugis at sukat ng mga bahay ay naiiba sa bawat estado. Kasama sa mga karaniwang elemento sa Peninsular Malaysia ang mga patulis na bubong, verandah, at mataas na kisame, na nakataas sa mga poste para sa bentilasyon. Ang gawang kahoy sa bahay ay madalas na inukit ng mahusay. Ang mga sahig ay nasa ibat ibang antas depende sa gamit ng silid.Ang mga Moske ay ayon sa kaugalian at batay sa arkitektura ng Java. Sa mga makabagong panahon, ang pamahalaan ay nagtaguyod ng ibat ibang mga proyekto, mula sa pinakamataas na kambal na gusali sa buong mundo, ang Petronas Twin Towers, hanggang sa isang buong lungsod na hardin, Putrajaya. Ang mga Malaysian firms ay nakabubuo ng mga disenyo ng skyscraper na partikular para sa mga tropikal na klima.

                                     

4. Musika

Ang tradisyunal na musika ng Malay at pagganap ng sining ay lumilitaw na nagmula sa rehiyon ng Kelantan-Pattani. Ang musika ay batay sa paligid ng mga instrumento ng percussion, ang pinakamahalaga sa kung saan ay ang gendang tambol. Mayroong hindi bababa sa 14 na uri ng tradisyonal na tambol Ang mga tambol at iba pang mga tradisyunal na instrumento ng percussion ay madalas na gawa mula sa mga likas na materyales tulad ng mga kabibe. Kasama sa iba pang mga instrumento ang rebab isang bow string na instrumento, ang serunai dobleng tambol na parang oboe, ang seruling plauta, at mga trumpeta. Ang musika ay tradisyonal na ginagamit para sa pagkukuwento, pagdiriwang ng mga kaganapan sa siklo ng buhay, at sa taunang mga kaganapan tulad ng anihan. Ang tradisyunal na orkestra ay nahahati sa pagitan ng dalawang anyo, ang gamelan na gumaganap ng mga tunog gamit ang mga gong at mga instrumento ng string, at ang nobat na gumagamit ng mga instrumento ng hangin upang lumikha ng mas solemikong musika.

Sa Silangang Malaysia, ang mga tumutugtug na grupo eensembles ay batay sa mga gong tulad ng agung at kulintang ay karaniwang ginagamit sa mga seremonya tulad ng mga libing at kasal. Ang mga ensembles na ito ay pangkaraniwan din sa timog Pilipinas, Kalimantan sa Indonesia, at sa Brunei. Ang mga Intsik at Indianong Malaysian may sariling mga anyo ng musika, at ang mga katutubong tribo ng Peninsula at Silangang Malaysia may natatanging tradisyonal na mga instrumento. Sa mga bansang tulad ng Singapore, Malaysia at Indonesia, pinaniniwalaan na ang pagpapalabas sa bahay sa panahon ng Hari Raya isang tradisyunal na pagdiriwang ng Malay ay isang mabuting paniniwala dahil nagdadala ito ng swerte at kapalaran sa mga gumanap sa palabas at may-ari ng bahay.

Sa Malaysia, ang pinakamalaking lugar na ganapan ng sining ay ang Petronas Philharmonic Hall. Ang residente na orkestra ay ang Malaysian Philharmonic Orchestra. Ang popular music ng Malay ay isang pagsasama-samang mga estilo mula sa lahat ng etniko sa bansa. Ang gobyerno ng Malaysia ay gumawa ng mga hakbang upang makontrol kung anong musika ang dapat lamang sa Malaysia; Ang musikang rap ay pinuna,ang muskiang heavy metal ay nilimitahan, at ang mga dayuhang banda ay dapat magsumite ng rekord ng isang kamakailang konsiyerto bago tumugtog sa Malaysia. pinaniniwalaan na ang musika na ito ay isang masamang impluwensya sa kabataan.

                                     

5. Panitikan

Ang Tradisyong pasalita oral traditionna umiiral mula pa bago ang nasulat sa kung ano ngayon ang Malaysia ay nagpapatuloy ngayon. Ang unang gawa na ito ay labis na naiimpluwensyahan ng mga epikong Indian. Ang oral na panitikan tulad ng alamat ay umunlad kahit na sumibol ang mga nakalimbag na aklat. Ang Sulat Arabo na Jawi ay dumating kasabay ng Islam sa peninsula sa huling bahagi ng ika-15 siglo.Sa puntong ito, ang mga kwento na dati nang nagbigay ng mga aralin sa Hinduismo at Budismo ay kinuha upang magkaroon ng higit pang mga unibersal na kahulugan, na ang kanilang mga pangunahing linya ng kuwento ay nananatiling buo.Ang bawat isa sa mga Malay Sultanates ay lumikha ng kanilang sariling tradisyon na pampanitikan na naiimpluwensyahan ng mga dati ng mga kuwento at ng mga kwentong galing sa Islam.Ang pagdating ng mga palimbagan printing press sa Malaysia ay naging susi upang ang mga literatura na ma-palapit ng higit sa mga may sapat na yaman na may kakayanan na makabili ng mga sulat-kamay na manuskrito manuscript.Nagkaroon ng paghati sa pagitan ng mga mayayaman na Malay, na nakakaalam ng Ingles, at sa mas mababang mga klase, na nnakakabasa lamang ng Malay. Noong unang ika-20 siglo ang panitikan ay nagsimulang magbago upang ipakita ang pagbabago ng kaugalian ng mga taga-Malaysia.Noong 1971 ang pamahalaan ay gumawa ng hakbang sa pagtukoy ng panitikan ng iba’t ibang wika. Ang panitikan na isinulat sa Malay ay tinawag na "Ang Pambansang Panitikan ng Malaysia"; ang panitikan sa iba pang mga wika ng Bumiputra ay tinawag na "panitikang panrehiyon"; ang panitikan sa iba pang mga wika ay tinawag na "bahaging pampanitikan".

Ang tula ng Malay ay lubos na sumibol, at gumagamit ng maraming mga uri. Ang Hikayat ay isang tradisyunal na salaysay, at ang mga kwentong isinulat sa ganoong paraan pinangalanan gamit ang Hikayat na sinundan ng mga pangalan ng protagonist. Ang pantun ay isang anyo ng tula na ginamit sa maraming aspeto ng kultura ng Malay. Ang Syair ay isa pang anyo ng salaysay, na minsang sumikat. Ang Hikayat ay nananatiling popular, at ang pantun ay kumalat mula sa Malay sa ibang mga wika. Hanggang sa ika-19 na siglo, ang panitikan na ginawa sa Malaysia ay nakatuon pangunahin sa mga kuwentong pang mayayaman, dahil ginawa lamang ito para sa kaharian. Pagkatapos ng puntong ito ay lumawak ito sa iba pang mga lugar. Ang gulo ng lahi ng 1969 malakas na naiimpluwensyahan ang panitikan; ang mga pagpapabuti ng ekonomiya noong 1980s ay nagdulot ng mga pagbabago sa lipunan at mga bagong anyo ng panitikan.

Ang unang panitikan ng Malay ay nasa sulat ng Arabe. Ang pinakamaagang kilalang pagsulat ng Malay ay nasa Terengganu Inscription Stone na gawa noong 1303Isa sa mga mas kilalang gawa ng Malay ay ang Sulalatus al-Salatin, na kilala rin bilang Sejarah Melayu nangangahulugang "Mga Salaysay ng Malay". Ito ay orihinal na naitala noong ika-15 siglo bagamat ito ay napatnugutan na edited; ang kilalang bersyon ay mula ika-16 na siglo. Ang Hikaya Rajit Pasai, isinulat noong ika-15 na siglo ay isa pang makabuluhang akdang pampanitikan. Ang Hikayat Hang Tuah, o kwento ni Hang Tuah, ay nagsasabi sa kwento ni Hang Tuah at ang kanyang debosyon sa kanyang Sultan. Ito ang pinakasikat na Hikayat; ito ay nagmula sa Sejarah Melayu. Parehong hinirang bilang na mga bagay na pamana sa mundo sa ilalim ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization UNESCO na programa ng Memory of the World. Ang mga katutubong kuwento tulad ng Hikayat Sang Kancil, tungkol sa isang matalinong usa, ay popular, tulad ng mga pakikipagsapalaran tulad ng Ramayana, na inangkop mula sa mga epikong Indian. Munshi Abdullah bin Abdul Kadir, na nabuhay mula 1797 hanggang 1854, ay itinuturing na ama ng panitikan ng Malay. Ang Hikayat Abdullah, ang kanyang autobiography, ay tungkol sa pang-araw-araw na buhay noong kumalat ang impluwensya ng mga Briton. Ang mga babaeng manunulat ng Malay ay nagsimulang maging tanyag noong 1950s.

Ibat ibang pangkat etniko at lingguwistika ang gumawa ng mga gawa sa kanilang sariling wika. Ang panitikan ng mga Tsino at Indiano ay naging pangkaraniwan habang ang bilang ng mga nagsasalita ay nadagdagan sa Malaysia, at ang mga lokal na gawa batay sa mga wika mula sa mga lugar na iyon ay nagsimulang mabuo noong ika-19 na siglo.Simula noong 1950s, lumawak ang panitikan ng Tsino; ang sariling gawang panitikang sa lengguwahe na wikang Indiano ay hindi sumikat. Ang Ingles ay naging isang karaniwang wikang pampanitikan.

                                     

6. Pagkain at lutuin

Ang mga pagkain at lutuin ng Malaysia ay sumasalamin sa magkakaibang etniko ng populasyon nito,na tumutukoy ng pagkakaiba-iba nito.Maraming mga kultura mula sa Malaysia at sa mga nakapalibot na lugar ang lubos na nakakaimpluwensya sa lutuing Malaysian, na may malakas na impluwensya mula sa mga lutuing Malay, Intsik, India, Thai, Java, at Sumatran. Ito ay dahil ang Malaysia ay nabibilang isang bahagi ng sinaunang ruta ng pampalasa. Ang mga lutuin ay halos kapareho ng sa Singapore at Brunei,at nagkakahawig din sa lutuing Pilipino. Ang ibat ibang mga estado ng Malaysia may ibat ibang pagkain, at madalas ang pagkain sa Malaysia ay naiiba sa mga orihinal na pagkain. Minsan ang pagkain na hindi matatagpuan sa orihinal na kultura nito ay makikita isa ba; halimbawa, ang mga restawran ng Tsino sa Malaysia ay madalas na naghahain ng mga pagkaing Malaysian. Ang pagkain mula sa isang kultura ay minsan niluto gamit ang mga istilo na kinuha mula sa iba. Kadalasan ang pagkain sa Malaysia ay naiiba sa mga orihinal na pagkain; halimbawa, ang pagkaing Tsino ay madalas na mas matamis sa mga bersyon ng Malaysian kaysa sa orihinal. Ang mga Peranakans, Intsik na lumipat sa Malaysia ilang siglo na ang nakakaraan, may sariling natatanging lutuin na mga diskarte sa pagluluto ng Intsik kasama ang mga sangkap ng Malay.

Sa panahon ng isang hapunan na ang pagkain ay hindi inihahanda ng paisa-isa, ngunit lahat nang sabay-sabay. Ang kanin ay popular sa maraming mga pagkaing Malaysian. Karaniwan na matatagpuan ang sili sa mga pagkaing Malaysian, bagaman hindi ito nakakapa-anghang sa kanila. Karaniwan ang mga pansit. Ang baboy ay bihirang ginagamit sa Malaysia, dahil sa malaking populasyon ng Muslim. Ang ilang mga pagdiriwang may pagkain na nauugnay sa kanila, at ang mooncake ay madalas na kinakain sa panahon ng Mooncake Festival

                                     

7. Pananamit

Simula taong 2013 karamihan sa mga babaeng Muslim ay nagsusuot ng tudung, isang uri ng hijab. Ang paggamit ng tudung na ito ay bihira bago ang 1979 Iranian Revolution,at ang mga lugar na may mga kababaihan na gumagamit ng tudung ay nasa kanayunan. Ang paggamit ng tudung ay lubos na tumaas pagkatapos ng 1970s sa dahilang ang pagiging relihiyosong konserbatibo ng mga Malay sa Malaysia at Singapore ay tumaas.

Maraming mga kasapi ng Kelantan ulama noong 1960 ay naniniwala na ang hijab ay hindi sapilitan. Noong 2015 sinasabi ang ulama ng Malaysia na ang makalumang pananaw na ito ay hindi maka-Islam.

Taong 2015, ang Malaysia may industriya ng moda na may kaugnayan sa tudung. Ang lipunang Muslim na Malay ay negatibo reaksyon ang sa mga kababaihang Muslim na hindi nagsusuot ng tudong.

Si Norhayati Kaprawi ay nag-direct ng isang dokumentaryo noong 2011 tungkol sa paggamit ng tudung sa Malaysia, "Siapa Aku?" "Sino ako?". Ito ay sa Malay, na may subtitle sa Ingles.

                                     

8. Pista opisyal

Ang mga taga-Malaysia ay nagsasagawa ng mga pista opisyal at kapistahan sa buong taon, sa parehong antas ng pederal at estado. Ang iba pang mga kapistahan ay sinusunod ng mga partikular na pangkat etniko o relihiyon, ngunit hindi ito pampublikong pista opisyal. Ang pangunahing banal na araw ng bawat pangunahing relihiyon ay mga pista opisyal sa publiko. Ang pinakalat na pista opisyal ay ang "Hari Merdeka" Araw ng Kalayaan, mas kilala bilang "Merdeka" Kalayaan, noong ika-31 ng Agosto. Ginugunita nito ang kalayaan ng Pederasyon ng Malaya. Ito, pati na rin Araw ng Manggagawa 1 Mayo, kaarawan ng Hari unang Sabado ng Hunyo, at iba pang mga pagdiriwang ay pangunahing pambansang pista opisyal sa publiko. Ang araw ng Pederal na Teritoryo Federal Territory Day ay ipinagdiriwang sa tatlong teritoryong Pederal. Ang Malaysia Day na ginanap tuwing ika-16 ng Setyembre, ay ang paggunita sa pagbuo ng Malaysia sa pamamagitan ng unyon ng Malaya, Singapore, Sabah, at Sarawak, ito karaniwan na ipinagdiriwang lalo na sa East Malaysia.

Ang araw Bagong Taon, Bagong Taon ng Tsina, at ang pagsisimula ng kalendaryong Islam ay mga pampublikong pista opisyal. Ang mga pista opisyal ng mga Muslim ay lubos na ipinagdiriwang sa Malaysia. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay Hari Raya Puasa tinawag din na Hari Raya Aidilfitri na bersyon ng Malay ng Eid al-Fitr. Ito ay isang pagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo na nagmamarka ng pagtatapos ng Ramadan, buwan ng pag-aayuno. Ipinagdiriwang din nila ang Hari Raya Haji tinatawag ding Hari Raya Aidiladha, ang salin ng Eid ul-Adha, Awal Muharram Islamic New Year at Maulidur Rasul Kaarawan ng Propeta.

Ang Intsik na Malay ay karaniwang nagdaraos ng parehong mga kapistahan na sinusunod ng mga Intsik sa buong mundo. Bagong Taon ng Tsino ay ang pinakatanyag, na tumatagal ng 15 araw. Ipinagdiriwang ng mga Hindu sa Malaysia ang Deepavali, pagdiriwang ng ilaw, habang ang Thaipusam ay isang pagdiriwang kung saan nagtatagpo ang mga namamanata mula sa buong bansa sa Batu Caves. Ang Wesak Vesak sa Malay, ay ang araw ng kapanganakan ni Buddha, ay isang pampublikong holiday. Ang pamayanang Kristiyano naman sa Malaysia ay pinagdiriwang ang mga pista opisyal na sinusunod ng mga Kristiyano sa ibang lugar, lalo na ang Pasko at Pasko ng Pagkabuhay. Ang Biyernes Santo, gayunpaman, ay pista opisyal lamang sa dalawang estado ng Borneo. Ang mga pagdiriwang ng ani na Gawai sa Sarawak at Kaamatan sa Sabah ay mahalaga din para sa mga taga Silangang Malaysia.

Sa kabila ng karamihan sa mga kapistahan na kilala sa isang partikular na pangkat etniko o relihiyon, ang mga pagdiriwang ay madalas na pinagdiriwang ng lahat ng mga Malaysian. Isang halimbawa nito ay ang pagdiriwang ng Kongsi Raya, na ipinagdiriwang nang kasabay ang Hari Raya Puasa at Chinese New Year. Ang salitang Kongsi Raya na nangangahulugang "pagbabahagi ng pagdiriwang" sa wikang Malay ay ginawa dahil sa pagkakapareho sa pagitan ng salitang kongsi at pagbati ng Bagong Taon ng Tsino ng Gong xi fa cai. Katulad nito, ang portmanteau Deepa Raya ay ginawa nang kasabay ang Hari Raya Puasa at Deepavali.

Ang isang kasanayan na kilala bilang "open house" rumah terbuka ay pangkaraniwan sa mga pagdiriwang, lalo na sa Hari Raya Aidilfitri, Deepavali, Bagong Taon ng Tsino, at Pasko. Ang open house ay nangangahulugang lahat ng mga nakikipagdiwang ay tinatanggap ang lahat, anuman ang katayuan, ay iniimbitahan na dumalo.Ang mga open house ay karaniwang ginaganap sa bahay at ang mga pagkain ay inihanda ng may bahay. Mayroon ding mga open house na ginaganap sa mas malaking mga pampublikong lugar, lalo na kapag ang nagpahanda ay mga ahensya ng gobyerno o korporasyon. Karamihan sa mga Malaysian ay gumugugol ng oras sa trabaho o paaralan upang bumalik sa kanilang mga bayan upang ipagdiwang ang mga kapistahan kasama ang kanilang mga na kamag-anak. Ang pagsasanay na ito ay karaniwang kilala bilang balik kampung at kadalasang nagiging sanhi ng mga matinding trapiko sa karamihan ng mga kalsada sa bansa.

                                     

9. Palakasan

Ang mga sikat na sports sa Malaysia ay kinabibilangan ng badminton, bowling, football, squash, at field hockey.Ang Malaysia may kaunti lamang na tradisyonal na palakasan. Ang Wau ay isang tradisyonal na anyo ng pagpapalipad ng saranggola na kinasasangkutan ng mga maliliit ng saranggola na gawa sa mga kakaibang disenyo. Ang mga saranggola na ito ay maaaring umabot sa taas na 500 metre 1.640 ft at dahil sa mga kalakip ng kawayan ay lumilikha ng isang humuhuning tunog kapag lumipad.Ang Sepak takraw ay isang laro kung saan ang isang Yantok na bola ay pinananatiling nasa hangin nang hindi gumagamit ng mga kamay.Ang isang tradisyunal na laro na nilalaro sa panahon ng pag-aani ng bigas ay ang pagbato gasing, mga malalaking trumpo na tumitimbang ng 5 kilogram 11 lb na kapag ibinato gamit ang isang lubid at inikot ay magbubungkal sa lupa habang umiikot. Kilala ito na maaaring umikot nang higit sa isang oras.Iba pang mga pampalakasang laro ay ang sayaw dragon at ang karera ng dragon-boat. Sikat ang baybayin ng Malaysia para sa pagsisid, "paglalayag, at iba pang larong aktibidad sa tubig. Ang Whitewater rafting at paglalakbay ay madalas ding ginagawa.

Maraming mga internasyonal na palaro ay lubos na tanyag sa Malaysia. Ang mga labanan ng Badminton sa Malaysia ay nakakaakit ng libu-libong mga manonood, at ang Malaysia, kasama ang Indonesia at China, ay patuloy na ginaganap ang Thomas Cup mula pa noong 1949.Ang Malaysian Lawn Bowls Federation PLBM ay nakarehistro noong 1997, at nakapagtala na ng mga mahuhusay na manlalaro at patuloy na nagpapakita ng galing sa buong mundo Ang Squash naman ay dinala sa Malaysia ng mga miyembro ng British army, na may unang kumpetisyon na ginanap noong 1939. Ang Squash Racquets Association of Malaysia SRAM ay nilikha noong 25 Hunyo 1972, at nagkaroon ng matagumpay na kumpetisyon ng squash sa mga Asyano. Sikat din ang Football sa Malaysia, at iminungkahi ng Malaysia sa Timog Silangang Asya ang isang liga ng football. Ang Hockey ay tanyag din sa Malaysia, kasama ang pambansang kalalakihan ng hockey sa Malaysia na na-ranggo sa ika-14 sa buong mundo noong 2010.Ang Malaysia ay nagho-host din sa ikatlong Hockey World Cup sa Merdeka Stadium sa Kuala Lumpur, bago mag-host ng ika-10 palaro. Ang Malaysia may sariling Formula One track, ang Sepang International Circuit. Ito may haba na 310.408 kilometre 193 mi at ginanap ang una Grand Prix noong 2000.Ang golf ay sumisikat na din, na may maraming mga paglalaruan na itinayo sa buong bansa.

Ang Federation of Malaya Olympic Council ay nabuo noong 1953, at tumanggap ng pagkilala ng International Olympic Committee noong 1954. Una itong lumahok sa 1956 Melbourne Olympic Games. Ang konseho ay pinalitan ng pangalan na Olympic Council of Malaysia noong 1964, at ang Malaysia sa Olympics ay sumali sa lahat maliban sa isang laro ng Olympics mula noong nabuo ang konseho. Ang pinakamalaking bilang ng mga atleta na ipinadala sa Olympics ay 57, sa 1972 Munich Olympic Games.Ang mga atleta ng Malaysia ay nagwagi ng kabuuang apat na medalya sa Olympics, na ang lahat ay mula sa badminton.ng Malaysia ay nakipagkumpitensya din sa Commonwealth Games mula noong 1950 bilang Malaya, at 1966 bilang Malaysia. Ito ay nangingibabaw sa badminton, at naghost ng mga laro sa Kuala Lumpur noong 1998.Ang 1998 Commonwealth Games ay ang unang pagkakataon na ang pagpapasa ng sulo torch relay ay dumaan sa maraming mga bansa hindi lamang sa England at ng host na bansa.

                                     

10. Media

Karamihan sa media ng Malaysia ay nakatali sa naghaharing partido ng UMNO,kasama ang pangunahing pahayagan ng bansa na pag-aari ng gobyerno at partidong pampulitika sa naghaharing koalisyon. Ang mga pangunahing partidong oposisyon ay mayroon ding sariling mga pahayagan.Bukod sa mga pahayagan ng Malay, mayroong din malaking sirkulasyon ng mga English, Chinese, at Tamil na pahayagan. Ang media ay sinisisi dahil sa pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Indonesia at Malaysia, at pagbibigay sa mga mamamayan ng masamang imahen ng mga Indones. Mayroong paghati sa pagitan ng media sa dalawang hati ng Malaysia. Ang media na nakabase sa Peninsular ay nagbibigay ng mababang priyoridad sa mga balita mula sa Silangang Malaysia, at madalas na nakikitungo ito bilang isang kolonya ng Peninsular. Bihira ang pag-access sa Internet sa labas ng pangunahing mga sentro ng lunsod, at ang mga mas mababang mga antas may mas kaunting pag-access na mga mapagkukunan ng balita na hindi sa gobyerno.

Ang pagkontrol sa kalayaan ng mamamahayagay binatikos, at sinasabing ang gobyerno ay nagbabanta sa mga mamamahayag na nababawasan ang mga oportunidad sa trabaho at hindi pagtanggap sa kanilang mga pamilya sa mga unibersidad.Nauna nang sinubukan ng gobyernong Malaysia na ibagsak ang mga papel ng oposisyon bago pa ang halalan kung hindi sigurado ang naghaharing partido sa sitwasyong pampulitika.Noong 2007, naglabas ang isang ahensya ng gobyerno ng isang direktiba sa lahat ng pribadong istasyon ng telebisyon at radyo upang pigilan ang pag siwalat na mga talumpati na ginawa ng mga pinuno ng oposisyon, isang kilos na tinutulan ng mga pulitiko mula sa oposisyong Democratic Action Party.Ang Sabah, kung saan ang may isang tabloid lamang ay hindi independiyenteng kontrol ng pamahalaan, ang may pinakamalayang pamamahayag sa Malaysia.Ang batas tulad ng Printing Presses and Publications Act ay nakikita bilang pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag. Ang gobyerno ng Malaysia may malaking kontrol sa media dahil sa Batas na ito, na itinatakda na ang isang organisasyon ng media ay dapat magkaroon ng pahintulot ng pamahalaan na mapatakbo. Gayunpaman, ang "Bill of Guarantee of No Internet Censorship" na ipinasa noong 1990s ay nangangahulugan na ang balita sa internet ay walang pagbabawal.

                                     

10.1. Media Teatro at pelikula

Ang pelikulang Malaysian ay dumaan sa limang yugto. Ang unang yugto ay naganap nang magsimula ang paggawa ng pasalaysay na pelikula noong 1933, kasama ang paggawa ng Laila Majnun ng isang kumpanya na nagpapatakbo sa labas ng Singapore. Sa mga unang pares ng mga dekada kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang karamihan sa mga pelikula ay ginawa ng mga direktor mula sa India at Pilipinas, na gumawa ng pangalawang yugto ng mga pelikula. Ang unang lokal na direktang pelikula, ang, ay ginawa noong 1952. Gayunpaman, nabigo ito sa mga sinehan. Isang pangatlong yugto ang lumitaw habang ang mga studio na nakabase sa Singapore ay nagsimulang gumawa ng mga pelikula noong 1950s, ngunit ang industriya ay kasunod na nasira dahil sa kalayaan ng Singapore at ang pagkawala ng mga studio doon. Ang mga pelikulang Indonesia ay nakakuha ng katanyagan sa oras na ito, bagaman ang isang maliit na grupo ng mga gumagawa ng pelikula ay nagpatuloy sa paggawa sa Malaysia, na bumubuo ng ika-apat na yugto. Noong 1980s, ang lokal na industriya ay nagsimulang makabawi, na nagdala ng ikalima at pinaka mahusay na yugto, na sumasakop sa higit pang mga tema kaysa sa anumang nakaraang yugto. Ito rin ang unang pagkakataon na ang mga pelikulang hindi Malay ay nagsimulang magkaroon ng presensya mapanood sa mga sinehan.

Sinimulan ng pamahalaan na i-sponsor ang mga pelikula noong 1975, na lumilikha sa National Film Development Corporation noong 1981. Sa pamamagitan nito nag-aalok ang gobyerno ng mga pautang sa mga gumagawa ng pelikula na nais gumawa, gayunpaman, ang mga pamantayan para sa pagkuha ng pondo ay pinuna na nagsusulong lamang ng mga pelikulang komersyal. Dahil sa kakulangan ng pondo ng gobyerno para sa mas maliliit na proyekto, nabuo ang isang malakas na kilusang independyenteng pelikula. Malaki ang pagtaas ng mga maiikling pelikula, na sa nagdaang dalawang dekada ay nagsimulang makakuha ng katayuan sa mga pista ng pandaigdigang pelikula international film festivals. Ang mga independyenteng dokumentaryo ay madalas na gumagawa ng mga bagay at pangyayari na ipinagbabawal ng gobyerno, tulad ng pagtatalik at sekswalidad, pati na rin ang hindi pagkakapantay-pantay sa lahi at mga kaguluhan. Bagaman pinuna ng gobyerno ang ilang mga pelikula dahil sa hindi pagpapakita ng multikulturalismo, ang mga aksyon na ito ay hindi pare-pareho sa tungkol dito, at madalas na pinapaboran ang kultura ng Malay kaysa iba.

                                     
  • taga - Malaysia sa mga taga - India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani - kanilang kultura Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong
  • mga mangangalakal galing sa India, Malaysia Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo
  • Borneo, ay isa sa dalawang estado ng Malaysia sa pulo ng Borneo ang Sarawak ang isa pa nitong estado May ibang antas ng awtonomiya ang naturang teritoryo
  • pang - ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog - Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia Pilipinas, Singapore
  • Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura May haka - hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang
  • Budismo, na sinundan ng Islam, at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia Pilipinas, at ang
  • kalinangan ng Brunei ay halos Malay, na may malalim na impluwensiya mula sa Islam, at mas nakikitang mas makaluma kaysa sa Malaysia Ang kultura ay naimpuwensiyahan
  • napapaligiran ito ng Laos at Cambodia sa silangan, ang Tangway ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand
  • ipinamalas ng bansang punong - abala ang kultura ng hilagang silangan ng bansa. Ang kalderon ay sinindihan ni Udomporn Patsak. Noong ika - 24 ng Pebrero taong
  • lugar ng Beifudi malapit sa Yixian sa Hebei, Tsina, ay naglalaman ng mga reliko ng isang kultura na may kasabay na ang Cishan at Xinglongwa kultura noong
  • naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano