ⓘ Alfonso

                                     

ⓘ Alfonso

Ang Alfonso ay isang panlalaking ibinigay na pangalan na itinala noong ika-8 dantaon sa kapalit na mga estadong Kristiyano ng kahariang Bisigotiko sa tangway ng Iberia. Sa kahulihan ng panahong medyibal ito ay naging pamantayang pangalan sa mga pamilyang royal na Hispaniko at Portuges.

Nagmula ito sa isang pangalang Gotiko, o pinagsanib-sanib na ilang mga pangalang Gotiko; mula *Aþalfuns na binubuo ng mga elementong aþal "dakila" at funs "nanggigigil, matapang, handa", at maaring naimpluwensiyahan ng mga pangalang tulad ng *Alafuns, *Adefuns at *Hildefuns.

Naitala ito bilang Adefonsus nong ika-9 at ika-10 mga dantaon, at bilang Adelfonsus, Adelphonsus sa ika-10 hanggang ika-11 na mga dantaon. Ang pinaikling uri na Alfonso ay naitala noong kahulihan ng ika-9 na dantaon, at noong unang bahagi ng ika-11 na dantaon naman naitala ang uring Portuges na Afonso. Itinala naman ang Anfós sa Katalan mula ika-12 hanggang ika-15 na mga dantaon.

Kasama sa mga baryante ng pangalan ay: Alfonso Kastila at Italyano, Alfons, Afonso Portuges at Galisyano, Alphonse, Alfonse Italyano, Pranses at Ingles, atbp.