ⓘ Ivana (pangalan)

                                     

ⓘ Ivana (pangalan)

Ang Ivana ay isang pambabaeng ibinigay na pangalan na may pinagmulang Eslabo na tanyag din sa katimugang Irlanda, Pransiya, bahagi ng Canada na pangunahin ang wikang Pranses, Mediteraneo at Latinong Amerika. Ito ay ang pambabaeng anyo ng pangalang Ivan, na kapuwang mga hinlog na Eslabo ng mga pangalang Joanna at John. Maaari rin itong baybayin bilang Ivanna.

Ang mga baryanteng Iva at Ivanka ay mga diminutibong hinango sa Ivana. Ipinagdiriwang ang araw ng pangalan tuwing Abril 4. Sa Slovakia, ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 28. Sa Macedonia, ang araw ng pangalan ay ipinagdiriwang tuwing Hulyo 7 - na kilala rin bilang Ivanden.