ⓘ Mga wikang Uraliko

                                     

ⓘ Mga wikang Uraliko

Ang mga wikang Uraliko ay isang pamilya ng wika na may 38 wika na sinasalita ng halos 25 milyong katao, nakararami sa Hilagang Eurasya. Ang mga wikang Uraliko na may pinakamaraming katutubong nagsasalita ay Unggaro, Pinlandes at Estonyo, habang kabilang sa mga iba pang makabuluhang wika ang Erzya, Moksha, Mari, Udmurt, Sami at Komi, na sinasalita sa mga hilagang rehiyon ng Eskandinabiya at Pederasyon ng Rusya.

Nanggagaling ang pangalang "Uraliko" mula sa orihinal na lupang tinubuan ng pamilya Urheimat na karaniwang hinihipotisang nasa may Bulubundukin ng Ural.

Paminsan-minsan, ginagamit ang Pino-Ugriko bilang singkahulugan ng Uraliko, ngunit malaganap na nauunawaan na hindi isinasama ang mga wikang Samoyedo sa Pino-Ugriko. Maaaring tratuhin ang dalawang salita bilang magkasingkahulugan ng mga iskolar kung hindi nila tinatanggap ang tradisyonal na pagkaunawa na naghiwalay muna ang Samoyedo mula pamilyang Uraliko.

                                     

1.1. Kasaysayan Lupang tinubuan

Kabilang sa mga iminungkahing lupang tinubuan ng wikang Proto-Uraliko ang:

  • Iminumungkahi ni P. Hajdu na ang lupang tinubuan ay nasa may kanlurang at hilagang-kanlurang Siberia.
  • Iminumungkahi ni Juha Janhunen na ang lupang tinubuan sa gitna ng mga lagusan ng Ob at Yenisei sa Gitnang Siberia.
  • Sa kapaligiran ng Ilog Volga, kanluran ng mga Ural, malapit sa Urheimat ng mga wikang Indo-Europeo, o sa may silangan at timog-silangan ng mga Ural. Ayon kay Gyula László, isang mananalaysay, nagmula ito sa kagubatan sa gitna ng Ilog Oka at gitnang Polonya. Ayon naman kina E. N. Setälä at M. Zsirai, ito ay nasa gitna ng Ilog Volga at Ilog Kama. Ayon kay E. Itkonen, umabot hanggang sa Dagat Baltiko ang lugar ng mga ninuno. Nakikilala ni Jaakko Häkkinen ang Proto-Uraliko sa pamamagitan ng Eneolitikong kultura ng Garino-Bor Turbin noong 3.000-2.500 YBP sa may Basin ng Mababang Kama.
                                     

1.2. Kasaysayan Katibayan sa henetika

Ang likas na palatandaang henetiko ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko ay haplogrupong N1c-Tat Y-DNA. Nakahihigit ang N1b-P43 kaysa sa N1c sa mga taong Samoyedo. Nagmula ang haplogrupong N sa hilagang bahagi ng Tsina noong 20.000–25.000 years BP at kumalat sa hilagang Eurasia, mula Siberia patungo sa Hilagang Europa. Madalas nakikita ang subgrupong N1c1 sa mga taong di-Samoyedo, N1c2 naman sa mga taong Samoyedo. Bilang karagdagan, ang haplogrupong Z mtDNA, na natatagpuan na may mababang dalas sa mga Saami, Pinlandes, at Siberyano, may kaugnayan sa pandarayuhan ng mga taong nagsasalita ng mga wikang Uraliko.

Noong 2019, nasumpungan ng isang pagsusuri batay sa henetika, arkeolohiya, at lingguwistika na dumating ang mga nagsasalita ng Uraliko sa rehiyong Baltiko mula sa Silangan, lalo na mula sa Siberia, sa simula ng Panahon ng Bakal noong mga 2.500 taong nakalipas.

                                     

1.3. Kasaysayan Mga unang patotoo

Ang unang mapapaniwalang pagbanggit ng mga taong nagsasalita ng isang wikang Uraliko ay nasa Germania ni Tasito s. 98 PK, na nagbanggit sa mga Fenni karaniwang binibigyang-kahulugan bilang tumutukoy sa mga Sami at dalawa pang posible na tribong Uraliko na nakatira sa mga pinakamalayong bahagi ng Eskandinabiya. Marami pang mga posibleng naunang pagbanggit, kabilang dito ang Iyrcae posibleng may kaugnayan sa Yugra na inilarawan ni Herodoto na nakatira sa kung ano ngayon ang Europeong Rusya, at mga Budini, na inilarawan ni Herotodo bilang mga may mapulang-buhok isang pagkakakilanlang katangian ng mga Udmurt na nakatira sa hilagang Ukranya at/o mga katabing bahagi ng Rusya. Sa hulihan ng ika-15 dantaon, ibinigay-pansin ng mga Europeong iskolar ang pagkakahawig ng mga pangalang Hungaria at Yugria, ang mga pangalan ng mga pamayanan pasilangan ng Ural. Ipinalagay nila na may koneksyon ngunit hindi sila naghanap ng ebidensya sa lingguwistika.

                                     
  • midya Ang wikang Bepsyo kilala rin bilang Veps ay sinasalita sa mga Veps, na isang grupong pamilyang Piniko, ito ay anak ng wikang Uraliko Bepsyo at
  • 000 sa labas ng Estonya. Ito ay isang pamilyang wikang Finnic na isang anak ng pamilyang wikang Uraliko Estonian at Ethnologue 18th ed., 2015 karaniwang
  • Ang wikang Udmurt удмурт кыл, udmurt kyl ay isang wikang Uraliko parte ng pamilyang wikang Permiko na sinasalita sa mga Udmurt sa republika ng Udmurtia
  • Ang wikang Moksha Moshka: мокшень кяль mokšeny käl ay isang miyembro ng wikang Mordbiniko ng pamilyang wikang Uraliko Janurik, Boglárka 2013 Code - switching
  • transliteration: Komi kyv komi kɨv ay isang makrowikang Uraliko na sinasalita sa mga Komi sa Republika ng Komi sa Rusya. Ang lathalaing ito na tungkol
  • Katulad siya ng mga mag - anak na wikang Indo - Europeo, Apro - Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang
  • Ang Wikang Unggaro o Magyar wika ay kabilang sa mga Ugric sangay ng Uralic pamilya wika, at ang lahat ng mga pinaka - malawak na sinasalita, napakagaling
  • sinaunang Hapones sa mga sistema ng mga pamilya ng wikang Uraliko at Altaiko. Gayunman, hindi tiyak na tiyak na ang paghahalili ng mga pantig ay sumasalamin
  • Ang Wikang Pinlandes wika ay isang wika pamilya Uralic Finno - Permyan, na kung saan din nabibilang sa unggaro at estonyano. Ang Finn ay may mga katangian
  • Ang Hanti ay isang wikang sinasalita sa Rusya. Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig
  • Ang wikang Karelyo ay isang wikang sinasalita sa Rusya. Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa