ⓘ Ang Batong Bulaklak

                                     

ⓘ Ang Batong Bulaklak

Ang Batong Bulaklak ", kilala din bilang Ang Bulaklak ng Bato ", ay isang kuwentong bayan ng rehiyon ng Ural ng Rusya na kinolekta at muling ginawa ni Pavel Bazhov, at nilathala sa Literaturnaya Gazeta noong 10 Mayo 1938 sa Uralsky Sovremennik. Kalaunan itong nilabas bilang isang bahagi ng koleksyon ng kwento na Ang Kahong Malakita. Tinuturing "Ang Batong Bulaklak" bilang ang isa sa mga pinakamahusay na mga kuwento sa koleksyon. Sinalin ang istorya mula sa Ruso tungong Ingles ni Alan Moray Williams noong 1944, at maraming beses pagkatapos nito.

Ipinahiwatig ni Pavel Bazhov na lahat ng kanyang mga istorya ay maaring hatiin sa dalawang grupo batay sa tono: "nakatono sa bata" e.g. "Silver Hoof" na may simpleng balangkas, ang mga bata bilang mga pangunahng mga tauhan, at isang masayang katapusan, at "nakatono sa adulto". Tinawag niya itong "Ang Batong Bulaklak" ang kuwentong "naka-tono sa adulto."

Kinukuwento ang istorya mula sa punto de bista ng haka-hakang si Lolo Slyshko Ruso: Дед Слышко, tr. Ded Slyshko ; literal: "Matandang Lalaking Listenhere".

                                     

1. Paglalathala

Binasa ng kritiko mula sa Moscow na si Viktor Pertsov ang manuskripto ng "Ang Batong Bulaklak" noong tagsibol ng 1938, nang lumakbay siya sa ibayo ng mga Ural kasama ang kanyang panayam na pampanitikan. Napahanga siya dito at nilathala niya ang pinaikling istorya sa Literaturnaya Gazeta noong Mayo 10, 1938. Ang kanyang papuring pagsusuri ng The fairy tales of the Old Urals Ruso: Сказки старого Урала, tr. Skazki starogo Urala na sinamahan ng publikasyon.

Pagkatapos ng paglabas sa Literaturnaya Gazeta, nailathala ang istorya sa unang bolyum ng Uralsky Sovremennik noong 1938. Nilabas ito sa kalaunan bilang isang bahagi Ang Kahong Malakita na koleksyon noong Enero 28, 1939.

Noong 1944, sinalin ang istorya mula Ruso tungo sa Ingles ni Alan Moray Williams at nilathala ng Hutchinson bilang bahagi ng koleksyong The Malachite Casket: Tales from the Urals. Naisalin ang pamagat bilang "The Stone Flower". Noong dekada 1950, ginawa ni Even Manning ang pagsalin ng The Malachite Casket. Nilathala ang mga istorya bilang "The Flower of Stone".

Nailathala ang istorya sa isang koleksyon na Russian Magic Tales from Pushkin to Platonov, na nilathala ng Penguin Books noong 2012. Naisalin ang pamagat bilang "The Stone Flower" Ang Batong Bulaklak.

                                     
  • kung saan ang mga kilos ng plato ay nagpaangat sa sahig ng ilalim ng karagatan papunta sa kaibabawan. Ang mga bahura ng mga batong bulaklak ay mga ekosistemang
  • Camiguin sa Pilipinas, tumungo sa Sagay, Camiguin. Ang sagay, koral, korales, bulaklak na bato, o bulaklak ng bato, ay isang organismong pangdagat mula sa
  • Society, isang grupong mang - aawit sa Pilipinas Bahurang Apo, isang serye ng mga batuharang na batong - bulaklak o koral sa Occidental Mindoro, Pilipinas.
  • Ang Bahurang Apo, Hapilang Apo o Batuharang ng Apo ay isang serye ng mga batuharang na batong - bulaklak o harang na mga koral na sumasakop sa 35 kilometrong
  • Ang coral ay isang salitang Ingles na maaaring tumukoy sa: Sagay o batong bulaklak Coral komiks isang kathang - isip na karakter ng Marvel Comics. Cape
  • Ang Bahurang Tubbataha, Hapilang Tubbataha o Batuharang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mga kural o batong - bulaklak na matatagpuan sa
  • quince, batong mansanas stone apple at mansanas na kahoy wood apple Ito lamang ang uri ng punong kabilang sa saring Aegle. Tumataas ang puno ng
  • Pasipiko. Ang Hilagang Kapuluang Mariana, na kasama ang Guam sa timog, ay ang bumubuo sa Kapuluang Mariana. Ang kapuluang pantimog ay batong - apog, na may
  • Kinuha ng LVN Pictures ang kanyang serbisyo para itambal sa pinagmamalaki ng kompanya na si Mila del Sol ang Mabangong Bulaklak Kung tutusin ay mas marami
  • batong pundasyon na napapaligiran ng mga balustre. Ang malawak na bulwagang dasalan ay binubuo ng tatlong gusaling nakahanay nang magkakadikit. Ang mga
  • pangmatagalang burloloy, hindi kasama ang mga bulaklak bilang halimbawa. Sa loob ng maraming siglo, ang mga metal tulad ng ginto na ginamit sa mga iba t
  • at Melanesya. Sapagkat marunong gumamit ng palakol at askarol batong pinatulis ang mga tinutukoy na aboriheno, at may kaalaman din sa pamamangka, nagkaroon
  • Timog Korea dahil sa mga batong Liancourt, at sa Republikang Popular ng Tsina at Taiwan dahil sa Mga pulo ng Senkaku Binubuo ang Hapon ng apatnapu t pitong