ⓘ Geisha

                                     

ⓘ Geisha

Ang Geisha o Geigi ay mga babaeng tagapagtanghal sa Hapon na ang kanilang itinatanghal ay ang sining na Hapones, kabilang ang tugtugin at pagsayaw. Kapareho ng mga Geisha ang mga Gisaeng ng Korea at mga Hetaerae ng Sinaunang Gresya.

Ang mga Geisha ay lumitaw noong panahon ng Muling Pagkabuhay ng Meiji. Naging pangkaraniwan ang mga geisha noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Hanggang sa kanilang bilang unti-unting bumaba sa paglipas ng panahon.

                                     

1. Termino

Ang salitang geisha ay binubuo ng dalawang Kanji, 芸 gei na ang ibig sabihin ay "sining" at 者 sha na ang ibig sabihin ay "tao". Kaya maaaring isalin ang geisha sa Wikang Filipino na "taga-sining".

Ang iba pang termino ginagamit sa Hapon ay ang "geiko" na kadalasang pinantatawag sa mga taga Kyoto. Ang naturang termino ay karaniwang ginagamit sa rehiyon upang ibatid ang pinagkaiba ng geisha sa larangan ng sining pangtradisyon mula sa mga babaeng bayaran na gumagamit ng imahe ng geisha. Isinusuot ng mga babaeng bayaran ang obi sa gawing harapan ng kanilang kimono, samantalang isinusuot ng mga tunay na geisha sa gawing likuran. Ang isang tunay na geisha ay kadalasang may isang ginagawa sa pananamit; ang kanilang pananamit ay binubuo ng maraming patung-patong na kimono at pang-ilalim,at ang obi ay higit pa sa simpleng bahagi ng damit. Ang pagdadamit ay tinataya sa loob ng isang oras, kahit na may tulong na propesyonal. Ang mga bayaran naman ay kinakailang tanggalin ang kanilang suot na obi ng maraming ulit sa isang araw.

Ang mga nagsasanay na maging geisha ay tinatawag na "maiko". Ang salita ay binubuo ng Kanji, 舞 mai na ang ibig sabihin ay "sumasayaw" at 子 ko na ang ibig sabihin ay "bata".

Ang mga geisha sa Tokyo ay hindi naman madalas na sinusundan ang proseso sa ritual na pagiging maiko. Ang panahon ng pag-eensayo ay tumatagal mula anim na buwan hanggang isang taon - na mas maikli sa maiko ng Kyoto - bago siya maging isang ganap na geisha.

                                     

2. Mga Geisha Sa Larangan ng Kultura

Ang lumalaking pagka-engganyo sa mga geisha at sa kanilang magandang kaanyuan ang nagpalabong sa pagpapakilala ng naturang kultura sa Hapon at maging sa Kanluran. Ang pagka-engganyo ng mga taga Kanluran sa geisha ay umangat sa nobela noong 1997 at ang pelikulang Memoirs of a Geisha noong 2005, at ang talambuhay ng dating geisha na si Iwasaki Mineko, na pinamagatang Geisha of Gion.

                                     

2.1. Mga Geisha Sa Larangan ng Kultura Paglarawan sa Geisha

  • The girl inherited Maiko apprentice geisha life 2007 ni Naoyuki Ogino sa Canon Gallery, Hapon
                                     

2.2. Mga Geisha Sa Larangan ng Kultura Tugtugin tungkol sa Geisha

  • "Latin Geisha" by Illya Kuriaki and the Valderramas
  • "Geisha Dreams" by Rollergirl
  • "Neo Geisha" by Zeromancer on the album Eurotrash
  • "GEI-SHA" by S.K.I.N.
                                     

3. Kawing Panlabas

  • Modern Day Geisha
  • Ichimame, Maiko Blog in Japanese and English
  • Geisha and Maiko on Haruyo Moritas artwoks
  • Geisha and Maiko
  • Japanese Geisha
  • Geisha of Japan site
  • Geisha Noise Rock Band at MySpace
  • Coming of Age - Yukina: Japan. BBC documentary about a modern young woman who wishes to train to be a geisha.
  • Cohen, Kathleen, Geisha History ". School of Art and Design. San José State University.
  • Japanese Geisha Information on Geisha, Maiko, and media clips of their life
  • Geisha Photo Gallery
  • Many pictures of a REAL Geisha and Maiko" Photo Gallery
  • Documentary Art Photography of Real Geisha by "Naoyuki Ogino
  • Geisha information site
  • Dorda, Cristina, Geigi Gakko
  • Patterson, Sofia, Karyukai
                                     
  • Ang Memoirs of a Geisha Mga Gunita ng isang Geisha ay isang pagsasapelikula noong 2005 ng nobelang may parehong pamagat, na ginawa ng Amblin Entertainment
  • Ang 1047 Geisha ay isang planetang hindi pangunahin. Tala ng planetang minor: 1001 2000 JPL Small - Body Database Browser Discovery Circumstances: Numbered
  • at stop motion Pagsusugal Chat Sirko Sayaw Pelikula Pagiinom Mga Laro Geisha Pagpapatawa kabilang ang mga payaso, komedyante, at mga patawa sa internet
  • Ang mga taikomochi 太鼓持 o houkan 幇間 ay mga orihinal na lalakeng geisha ng Hapon. Geisha: The Secret History of a Vanishing World, Downer, Lesley, 2001
  • aliw sa mga taong may matataas na katungkulan, tinatawag itong kortesana. Geisha Gisaeng Hetaerae Patutot, kalapating mababa ang lipad, puta, hostes English
  • Dalawang Larawan Ang Geisha Bulaklak ng Inyong Panahon Mga Rodolfo Valentino Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng: Ang Puso ng Geisha Ang Mapaghimagsik
  • seremonya ng tsaa, ikebama, martial arts, kaligrapiya, origami, onsen, Geisha at mga laro. Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan
  • ginyeo 기녀 ay ang mga babaeng tagapagtanghal sa Korea na kapareho ng mga Geisha sa Hapon at ng mga Hetaerae ng Sinaunang Gresya. Ang mga gisaeng ay hindi
  • 1046 Edwin 1924 UA December 1, 1924 Williams Bay G. Van Biesbroeck 1047 Geisha 1924 TE November 17, 1924 Heidelberg K. Reinmuth 1048 Feodosia 1924 TP November
  • Nalikha rin ang mga salita para sa mga konsepto sa kulturang Hapones tulad ng geisha 芸者 ninja 忍者 o kaishaku 介錯 Noong lumakas ang Kanluraning impluwensya