ⓘ Siopao

                                     

ⓘ Siopao

Ang siopao, literal na mainit na bonete, ay Pilipinong uri ng Kantones na pinasingaw na bonete na tinatawag na cha siu bao.

                                     

1. Paglalarawan

Ito ay sikat na meryenda na ibinebenta ng mga panaderya at manininda at sa mararaming Tsinong restawran at kainan sa Pilipinas. Mayroong ibat ibang uri ayon sa laman: asadong baboy o bola-bola. Mayroon ding inihurnong baryante.

Isang natatanging baryasyon mula sa Pulo ng Siargao ang paowaw, isang panghimagas na bonete na may palamang bukayo.

May lumang katha o maling balita na diumanoy gawa sa karne ng pusa ang siopao, dahil sa kamurahan nito at pagtatangi laban sa mga Tsino.

                                     

2. Sa mga ibang bansa

Mayroong magkatulad na deribatibo sa lutuing Thai na tinatawag na salapao Thai: ซาลาเปา. Paminsan-minsan, pinapalamanan ang salapao ng matatamas na laman bilang panghimagas. Paborito rin ito sa Hawaii kung saan tinatawag ito bilang manapua.

                                     
  • sa gobyerno ng Pilipinas at isa sa mga kilalang kompanya na gumagawa ng siopao Ito ay itinatag noong 1985 ni Robert Kuan bilang katapat ng isang pampublikong
  • Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Tsino. Ang ibig sabihin ng kultura