ⓘ Palarong Paralimpiko

                                     

ⓘ Palarong Paralimpiko

Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko. Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subalit ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.

Bagamat ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang paraplegiko dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod Olimpiko, ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará "katabi" at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.

                                     

1. Kasaysayan

Ang Palarong Paralimpiko ay mga kaganapang pampalakasan na may mataas na katangian para sa mga manlalaro mula sa mga ibat ibang pangkat na may kapansanan. Sila ay ibinalak upang mabigyang-diin ng mga tagumpay sa palakasan ng mga lumahok, hindi sa kanilang kapansanan.

Sa araw ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 sa Londres, nagsaayos si Dr. Ludwig Guttmann ng Ospital ng Stoke Mandeville ng isang paligsahang pampalakasan para sa mga Britanikong beteranong pasyente ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may pinsala sa gulugod. Ang palaro ay ginanap muli sa parehong lugar noong 1952, at kumatig ang mga Olandes na beterano kaagapay ng mga Britaniko, na naging unang pandaigdigang paligsahan ng ganitong uri. Ang Palarong Stoke Mandeville ay nailarawan bilang mga hudyat ng Palarong Paralimpiko. Kasunod inopisyal ang Paralimpiko bilang pang-apatang taunang kaganapan na nakatali sa Palarong Olimpiko, at ang unang opisyal na Palarong Olimpiko, kung saan hindi na lamang para sa mga beterano sa digmaan, ay ginanap sa Roma noong 1960. Sa Palarong Toronto 1976 ang mga ibang pangkat ng mga manlalaro na may ibat ibang kapansanan ay ibinilang.

Ang kilusan ay lumaki nang madulaan mula sa mga unang araw na ito – halimbawa ang bilang ng mga manlalaro na lumahok sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init ay lumaki mula sa 400 manlalaro sa Roma sa humigit ng 4.200 manlalaro mula sa mga 148 bansa sa Beijing noong 2008.

Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap sa parehong taon na katulad sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, ito lamang noong 1988 na ang Palaro ay nakapagganap sa parehong lungsod, na ginagamit ang parehong lugar na pinagdausan. Noong 2001, nilagdaan ng IOC at IPC ang kasunduan na nagtitiyak na ang mga Punong-abalang Lungsod na makikipagkasundo sa pamamahala ng magkatuwang na Palarong Olimpiko at Palarong Paralimpiko na magiging mabisa mula 2012. Sa kasalukuyan, ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko IPC ay pandaigdigang katawan ng pamamahala ng Kilusang Paralimpiko; nagsasaayos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init at Taglamig; at nagsisilbi rin bilang Pandaigdigang Pederasyon para sa 12 palakasan, na kung saan ito ay nangangasiwa at nakikipagtalastasan ang mga Pandaigdigang Kampeonato at mga iba pang paligsahan.

                                     

2. Palarong Taglamig

Palakasang pantaglamig

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Taglamig:

  • Biyatlon
  • Pag-iisking Nordiko
  • Pag-iisking Alpino
  • Pag-iisking pangbagtas
  • Paragos na pangyelo ng haki
  • Pang-upuang-gulong na kurling
                                     

3. Mga kategoryang pangkapansanan

  • Kapansanang Intelektuwal: Ang mga manlalaro na may kawatasang pagpapaliit ng kumikilos na pang-intelektuwal at mga maykaugnayang hangganan sa paglalapat na pag-uugali. Ang kategoryang ito ay kasalukuyang nakabinbin.
  • Les Autres: Ang mga manlalaro na may pisikal na kapansanan na hindi bumabagsak nang talangas sa ilalim ng isa ng ibang limang kategorya, tulad ng pagkabansot, maramihang isklerosi, mga pinagkasiputang kapansanan sa katawan ng mga galamay tulad na nagsanhi ng talidomida ang pangalan ukol sa kategoryang ito ay hango sa wikang Pranses na ibig sabihin "mga iba".
  • Naputulan: Ang mga manlalaro na may bahagian o kabuuang kawalan ng na hindi bababa sa isang galamay.
  • Lumpong Serebral: Ang mga manlalaro na may pinsala sa utak, halimbawa ay lumpong serebral, traumatikong kapinsalaan sa utak, atake sa utak o mga magkahalintulad na kapansanan na naapektuhan ng kontrol sa kalamnan, tuwasan o pagtutugon-tugon.
  • Pang-upuang-gulong: Ang mga manlalaro na may mga kapinsalaan sa gulugod at iba pang kapansanan na kinakailangan nilang makipagpaligsahan sa isang upuang-gulong.
  • May Kahinaan sa Paningin: Ang mga manlalaro na may kahinaan sa paningin na umaantas mula bahagiang paningin, sapat na maipasyang bulag nang ligal, sa kabuuang kabulagan.

Ang mga kategoryang ito ginagamit sa parehong Paralimpikong tag-init at taglamig.



                                     
  • IPC ay nakahimpil sa Bonn, Alemanya. Sa Seremonya ng Pagtatapos ng Palarong Paralimpiko sa Tag - init 2004 noong Setyembre 28, 2004, inilunsad ng IPC ang bagong
  • Ang Palarong Paralimpiko ng ASEAN o ASEAN Para Games ay isang palaro na ginaganap kada dalawang taon pagkatapos ng Palaro ng Timog Silangang Asya para
  • Silipin din: Palarong Olimpiko sa Tag - init 2008 Ang Palarong Paralimpiko sa Tag - init 2008, ang ikalabintatlong Paralimpiko na ginanap sa Beijing, Tsina
  • pangunahing pandaidigang palarong pampalakasan para sa mga atleta na may mga kapansanan na pinamamahalaan ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko Naka - iskedyul bilang
  • Silipin din: 2022 Winter Olympics Padron: 2022 Winter Paralympics Ang Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2022 Tsino: 第十三届冬季残疾人奥林匹克运动会 opisiyal na kilala bilang
  • Ang 2020 ASEAN Para Games, na opisyal na kilala bilang Ika - 10 Palarong Paralimpiko ng ASEAN, ay isang paparating na biannual multi - sport event na gaganapin
  • Dahil nagsimula ang Palarong Paralimpiko noong 1960, nagkaroon na ng 15 mga Palarong Paralimpiko Sa Tag - init na ginanap sa 13 na magkahiwalay na mga lungsod
  • CBC Radio - Canada Palarong Paralimpiko sa Tag - init 1976 Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1976 Palarong Olimpiko sa Taglamig 1976 Palarong olimpiko na ginanap
  • separate discipline. Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2014 Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag - init 2014 Opisyal na Websayt ng Palarong Olimpiko sa Taglamig
  • sa mga palakasang para sa taglamig, ang Palarong Paralimpiko para sa mga atletang may kapansanan, ang Palarong Olimpiko ng Kabataan para sa mga atletang
  • Republikang Bayan ng Tsina mula 8 24 Agosto 2008, at susundan ng Palarong Paralimpiko 2008 panahon ng tag - init mula 6 17 Setyembre. Inaasahang lalahukan
  • maskot, kaysa sa Olimpikong watawat o mga sagisag pang - organisasyon. Palarong Paralimpiko 2000 - logo at maskot Mga sagisag ng Olimpiko Opisyal na pahina ng
  • Silipin din: 2018 Winter Olympics Padron: 2018 Winter Paralympics Ang Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2018 Koreano: 평창 동계 패럴림픽 Hanja: 平昌 冬季 패럴림픽 RR: Pyeongchang