ⓘ Ang Negosyante ng Venecia

                                     

ⓘ Ang Negosyante ng Venecia

Ang The Merchant of Venice ay isa sa pinakasikat na komedya ni William Shakespeare bagamat ito ay napapabilang sa mga kontrobersiyal niyang dula. Tumatalakay ito sa unibersal na paksa ng pananampalataya ng Hudyo at Kristyano, at ang kaawang kapalaran ng nagpapautang na Hudyong si Shylock.

Isang pagsasalin ang ginawa Rolando Tinio noong 1977 at pinamagatan niya itong Ang Negosyante ng Venecia.

                                     

1. Mga tauhan

  • Portia – isang mayamang tagapagmana
  • Bassanio – kaibigan ni Antonio, kasintahan ni Portia
  • Prinsipe ng Morocco, Prinsipe ng Aragon Ang mga manliligaw ni Portia
  • Balthazar, Stephano – Mga Katulong ni Portia
  • Lorenzo – umiibig kay Jessica
  • Shylock – isang mayamang Hudyo
  • Tubal – isang hudyo kaibigan ni Shylock
  • Old Gobbo –isang katulong
  • Duke ng Venice
  • Nerissa – kanyang alalay
  • Gratiano, Solanio, Salerio – kaibigan ni Antonio at Bassanio
  • Jessica – anak ni Shylock, kasintahan ni Lorenzo
  • Antonio – a mangangalakal ng Venice
                                     

2. Buod

Sa kagustuhan ni Bossanio na makuha ang puso ng kanyang iniibig na si Portia humingi sya ng tulong sa kanyang matalik na kaibigan na si Antonio. At gayon na lamang ang malasakit ng kanyang kaibigan, dali siyang pumunta kay Shylock at humiram ng pera. Isang hudyong galit sa Kristyano, gumawa si Shylock ng kasunduan na kapag hindi siya makabayad sa takdang oras, magbabayad siya ng kaban ng kanyang laman. Kaagad na pumunta sa Belmont si Bossanio ang tirahan ng kanyang iniibig, Samantalang si Portia ay nahihirapan mamili ng manliligaw kaya gumawa siya ng kompetisyon at ito ang pagpili sa mga sisidlan. Ang sisidlan ginto ay nakuha ng Prinsipe ng Morroco na gayon na lamang ang tuwa ni Portia gayung ayaw nya sa kulay nitong balat, Ang pangalawang dumayo ay ang Prinsipe ng Aragon nagkamali sya ng pagpili it Dhailo ay isang pilak na sisidlan na kumakatawan din sa kanyang pagkatao isang payaso. Si Portia ay talagang hirap na mamili sa kanyang mga manliligaw. Pero napagtagumpayan ni Bassanio ang pagpili sa mga baul baulan.