ⓘ Jokhang

                                     

ⓘ Jokhang

TL:

Ang Templong Jokhang, Jokhang, Qokang, Jokang, Monasteryong Jokhang, Tsuklakang bigkas: /gTsug lag khang/ ay ang unang templo pangbudismo sa Tibet na matatagpuan sa Liwasang Barkhor sa Lhasa. Itinayo ito noong panahon ng paghahari ng haring si Songsten Gampo 605?-650 CE upang ipagdiwang ang kanyang pagpapakasal kay Wencheng, isang prinsesang budistang kabilang sa Dinastiyang Tang ng Tsina. Tinawag itong Tsulag Kang o "Bahay ng Karunungan" subalit kilala sa ngayon bilang Jokhang na nangangahulugang "Bahay ng Buddha".

Para sa karamihan ng mga Tibetano, ito ang pinakabanal at pinakamahalagang templo sa Tibet. Kasalukuyan itong tinatabanan o nasa ilalim ng pamamahala ng paaralang Gelug.

Kasama ng Palasyo ng Potala, ito marahil ang pinakabantog na pang-akit ng mga turista sa Lhasa. Bahagi ito ng Pook na Pamanang Pandaigdig ng UNESCO, at isa ring lundayan o sentrong pang-espiritu o pangkaluluwa ng Lhasa.

                                     
  • Karunungan ay maaaring tumukoy sa: Bayt al - Hikma, ang Bahay ng Karunungan na inilunsad ni Harun al - Rashid Jokhang ang unang templong pangbudismo sa Tibet