ⓘ Kasaysayan

Kasaysayan

Tungkol ito sa "kasaysayan" bílang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan, pumunta sa Salaysay. Tumuturo dito ang historya. Para sa istorya, pumunta sa Kuwento. Ang kasaysayan o historya ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panaya ...

Sinaunang kasaysayan

Ang kalaunan, sinaunang kasaysayan, matandang kasaysayan, o lumang kasaysayan ay ang pag-aaral ng nakasulat na nakalipas magmula sa simula ng naitalang kasaysayan ng tao sa Lumang Mundo hanggang sa Maagang Gitnang mga Kapanahunan sa Europa. Maaari rin itong magpahanggang sa katapusan ng Imperyong Romano noong bandang 476 AD. Ang salitang "antikuwidad" may pangkaraniwang kahulugang sinaunang kasaysayan na bago ang pagsisimula ng kasaysayan ng Sinaunang Gresya noong bandang 776 BK. Noong bandang ganitong panahon din nag-umpisa ang Sinaunang Roma. Kabilang sa mga paksa ng sinaunang kasaysayan ...

Likas na kasaysayan

Ang likas na kasaysayan o kasaysayang pangkalikasan ay ang makaagham na pananaliksik ng mga halaman at mga hayop, na mas nakakiling patungo sa mga paraan ng pag-aaral na pang-obserbasyon sa halip na pang-eksperimento, at mas sumasaklaw sa mga pananaliksik na nalathala sa mga magasin kaysa sa mga diyaryong pang-akademya. Ipinangkat sa piling ng mga likas na agham, ang likas na kasaysayan ay isang masistemang pag-aaral ng anumang kategorya ng likas na mga bagay o mga organismo. Iyan ay isang napakalawak na kapangalanan o designasyon sa loob ng isang mundo puno ng maraming mga disiplinang may ...

Kasaysayan ng paggawa

Ang kasaysayan ng paggawa o kasaysayang pangmanggagawa ay isang malawak na larangan ng pag-aaral na nakatuon sa kilusang pangmanggagawa at ng uring manggagawa. Ang pangunahing mga pagtutuon ng mga manunulat ng kasaysayan ng paggawa o pagtatrabaho ay kinabibilangan ng pag-unlad ng mga unyong manggagawa, mga pagwewelga, mga lockout, at mga kilusang pamprutesta, relasyong pang-industriya, at ang progreso ng uring manggagawa at mga partidong pampolitika ng mga sosyalista, pati na pag-unlad na panlipuna at pangkultura ng mga taong naghahanapbuhay. Ang mga manunulat ng kasaysayan ng paggawa ay m ...

Kasaysayan ng sining

Ang kasaysayan ng sining ay ang kasaysayan ng anumang gawain o produktong ginawa ng mga tao na nasa anyong makikita o mapagmamasan ng mga mata para sa mga layuning estetiko o pangkomunikasyon, na nagpapahayag ng mga ideya, mga damdamin o, sa pangkalahatan, isang pananaw na pandaigdigan. Sa maiksing pananalita, maaari itong bigyan ng kahulugan bilang ang kasaysayan ng sining na nakikita, katulad pagpipinta, paglililok at arkitektura. Sa paglipas ng panahon ang sining na mapagmamasdan biswal na sining ay iniuri sa ibat ibang mga paraan, magmula sa pagkakaibang midyebal sa pagitan ng liberal ...

Prehistorikong kasaysayan

Ang prehistorikong kasaysayan o prehistorya ay ang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan mula sa paggamit ng mga bato bilang kagamitan hanggang sa pag-imbento ng sistema ng pagsulat. Matagal nang laganap ang paggamit ng mga tao ng mga simbolo, marka, at larawan, ngunit nabuo lamang ang mga pinakaunang sistema ng pagsulat bandang 5.300 taon na ang nakalilipas. Inabot ng libo-libong taon bago tuluyang lumaganap ang pagsulat sa maraming parte ng mundo. Gayunpaman, hindi pantay ang paglaganap nito; may mga kultura ng tao na di nakagawa ng sistema ng pagsulat hanggang nito lang. Dahil rito, iba-i ...

                                     

Nakatalang kasaysayan

Ang nakatalang kasaysayan o naisulat na kasaysayan ay ang panahon sa kasaysayan ng mundo pagkaraan ng panahon bago ang kasaysayan o prehistorya. Naisulat ito sa pamamagitan ng paggamit ng wika, o naitalang ginagamit ang iba pang mga pamamaraan ng komunikasyon. Nagsimula ito noong bandang ika-4 na milenyo BK, dahil sa pagkaimbento ng pagsusulat. Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                     

Kasaysayan ng Hilagang Amerika

Ang kasaysayan ng Hilagang Amerika ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular na ang nakasulat, nakatala, at sinasambit na mga kasaysayan at mga kaugalian na naipasa magmula sa isang salinlahi papunta sa kasunod na mga salinlahi sa kontinenteng nasa hilagang hemispero ng Daigdig, pangunahin na ang nasa kanlurang hemispero.

                                     

Amorreo

Para sa wika, tingnan ang wikang Amorreo. Ang mga Amorreo, Amoreo, Amorrheo, Amorita, o Amorite ay tumutukoy sa lahat ng mga Semitikong tao nasa Canan bago dumating ang mga Israelita, ang pook o bansang nasa kanluran ng Euprates mula sa noong ikalawang hati ng ikatlong milenyong BK. Tumutukoy sa kanila at maging sa kanilang pangunahing diyos ang salitang Amurru.

                                     

Buhay na kasaysayan

Ang buhay na kasaysayan ay isang aktibidad na pinagsasama ang makasaysayang mga kasangkapan, mga gawain at mga damit sa isang pagtatanghal na nagbibigay sa mga tagamasid at kalahok ng isang pakiwari na makatuntong sa nakaraan. Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                     

Eufrates

Ang Eufrates ay ang kanluranin sa dalawang malaking mga ilog na naglalarawan sa Mesopotamya na dumadaloy mula sa Anatolya.

                                     

Historyograpiya

Ang historyograpiya may mga ilang magkakatulad na kahulugan. Maaaring tumukoy ito sa kasaysayan ng pag-aaral ng kasaysayan, ang mga kaparaanan at pagsasanay. Maaari din na maging kahulugan ng historiograpiya bilang ang pag-aaral ng pangkasaysayang pagsusulat. Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                     

Kolonyalismo

Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya". Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan.

                                     

Panahon ng Kobre

Ang Panahong Kalkolitiko, Panahon ng Tanso, kilala rin bilang Panahong Eneolitiko o Panahon ng Kobre, ay isang yugto sa pag-unlad ng kalinangan ng tao, kung saan lumitaw ang paggamit ng sinaunang mga kasangkapang metal habang kasabayan ng mga kasangkapang gawa sa bato.

                                     

Tigris

Ang Tigris ay ang silanganing kasapi ng dalawang malaking mga ilog na naglalarawan sa Mesopotamya, kasama ng Eufrates, na dumadaloy mula sa mga bulubundukin ng timog-silangang Turkiya hanggang Irak. Kilala rin ito bilang Hiddecel.